Saturday , April 20 2024

Writ of Execution inisyu ng korte vs negosyante

122314_FRONTNAGPALABAS ng writ of execution ang Pasig regional trial court para sa permanent restraining order na inisyu nito laban sa negosyanteng si Reghis Romero II at dalawa pang kompanya kaugnay sa operasyon sa Harbor Centre facility sa Tondo, Maynila.

Kabilang sa mga pinagbawalan ng korte sina Jemore Canlas, Amelia Lazaro, Ma. Leah Hernandez, Deo R. Olvina Jr., James Lomeda, Iran Servillon, Alex Alindogan, Julie Quiozon, Carlo Solis, Fryan Valdez, Raymund Fran, Katherine Modesto, James Santiago, Norman Castillo, Nani Pineda, Bienvenido Latag, Kenneth Sodevilla, Jun Nombres, Michelle Estrada at Jennifer Olaer.

Inatasan ni Judge Rolando Mislang ng Pasig RTC Branch 167 ang Branch Court Sheriff na ipatupad agad ang writ of execution na ipinalabas noong Disyembre 19.

Ibinasura rin ng korte ang lahat ng legal impediments sa pagbabalik sa One Source Port Services Incorporated upang pangasiwaan ang operasyon.

Alinsunod sa writ of execution, inatasan ni Mislang si Romero at ang dalawang kompanyang R-II Builders Inc., at R-II Holdings Inc., upang itigil ang panghihimasok sa operasyon ng sampung ektaryang Harbour Centre terminal facility sa Vitas, Tondo.

Pinatitigil si Romero na magpakilalang may-ari ng Harbour Center Port Terminal at gayon din ang pangongolekta at pagtanggap ng pondo.

Pinagbawalan ang negosyante na pumasok sa pasilidad nang walang pahintulot ng One Source.

Una nang hiniling ng One Source sa pamamagitan ng legal counsel na si Ryann Macapagal ang smooth turnover ng management at operasyon sa Harbour Center upang maiwasan ang karahasan.

Tahimik pa ang kampo ni Romero ukol sa writ of execution ng Pasig RTC 167.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *