Wednesday , April 24 2024

Rider tigok angkas sugatan sa hit and run

112514 deadPATAY ang isang lalaki habang sugatan ang kanyang angkas nang masagi ng humaharurot na van ang sinasakyan nilang motorsiklo kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Joel Antoy, 31, 168 Tolentino St., San Francisco Del Monte, Quezon City sanhi ng pagkabasag ng bungo at bali sa katawan.

Habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) hospital ang angkas niyang si Jose Francisco, 46-anyos, dahil sa mga sugat sa katawan.

Batay sa ulat ni PO3 Nestor Arcitio, dakong 3:50 a.m. nang maganap ang insidente sa kahabaan ng EDSA, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Salaysay ng mga nakakita sa insidente, isang hindi naplakahan L-300 van ang bumangga sa likod ng minamanehong motorsiklo Rusi (for registration)  ng mga biktima dahilan upang tumilapon ang dalawa na agad ikinamatay ni Antoy.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang van.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng …

Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) …

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa …

Paco Catholic School Fire Sunog

Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES

INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *