Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Panloloko sa ‘umento’ ng City Hall employees

Panloloko sa ‘umento’ ng City Hall employees

00 Kalampag percySUNOD-SUNOD ang pinakawawalang gimik ni ousted president, convicted plunderer at “de facto” mayor Joseph “Erap” Estrada para pagtakpan ang 2013 audit report ng Commission on Audit (COA) tungkol sa hindi maipaliwanag na pagkawala ng tatlong bilyong piso sa kaban ng Maynila.

Kamakalawa ay inihayag niyang ibibigay na raw sa mga empleyado ng Manila City Hall ang ikaapat na yugto ng wage hike, alinsunod sa Salary Standardization Law (SSL) na noon pa sanang 2013 natanggap ng mga empleyado.

Wala raw pondo ang city government para ipatupad ang wage hike na nagkakahalaga ng P325 milyon noong 2013, ayon kay City Treasurer Liberty Toledo at para maipagkaloob ito sa mga kawani ay humihirit sila sa Department of Budget and Management (DBM) ng supplemental budget.

Noong nakaraang taon, ipinag-utos ng Ombudsman sa DILG ang pagsibak kay Toledo matapos mahatulang guilty sa maanomalyang pagbili ng mga overpriced na sasakyang multicab noong 2002 at pinatawan ng parusang perpetual disqualification from holding any public office.

Kaya bago tanggapin ng bawat obrero ang umento, kailangang pumirma muna sa dokumento na nagsasaad na, “The undersigned recipients of the correspondingly indicated amounts appearing in the fourth tranche salary payroll hereby undertake to return the same in full in the event of an adverse decision on the appeal taken by the city of Manila against the Department of Budget and Management Review of the Supplemental Budget city ordinance No. 8351 pending with the office of the President. The city is authorized to deduct the said amount from our payroll should we fail to return the same.”

READ MORE:  Desentonadong investigation sa Senado in aid of destab

Hindi ba’t malaking kalokohan na kapos daw sa budget para sa wage hike pero hindi mabigyang katuwiran ni Erap kung saan niya winaldas ang halos tatlong bilyong pisong pondo ng Maynila?

Destab vs. Pnoy dapat paghandaan

BATAY sa pinapirmahang dokumento sa empleyado, malinaw na ayaw kunin ni Erap sa lehitimong pondo ng Maynila ang ibinibigay niyang wage hike.

Lumalabas na iniaatang niya sa DBM ang obligasyon ng lokal na pamahalaan sa pagtupad sa Salary Standardization Law.

At kapag hindi pinaboran ng DBM ang hirit niyang supplemental budget, kailangang isoli ng mga kawani ang tinanggap nilang wage hike.

Ang magiging resulta, magagalit ang city employees sa Malacañang at lalabas pang bida ang sentensiyadong mandarambong.

Isinagawa ni Erap ang senaryong ito bilang paghahanda sa nakatakdang pagbaba ng desisyon ng Korte Suprema sa kanyang disqualification case.

READ MORE:  Tata Boyong Tago bagong enkargado ng MPD PS- 4 at PS-11

Gusto niyang makuha ang simpatiya ng mga kawani para makapanatili siya sa City Hall kahit labag sa batas.

Ang suma total, madali niyang mahahatak ang mga kawani para mag-aklas sa administrasyong PNoy at palabasin na siya pa ang inaapi gayong sa loob lamang ng limang buwan sa Manila City hall ay nakapagnakaw na siya ng halos tatlong bilyong piso.

Ito ang senaryong dapat paghandaan ng Palasyo.

May bayad, hindi libre ang dialysis machines

PANIBAGONG panlilinlang na naman sa mga Manilenyo ang pinasinayaan ng “President-Mayor-Daddy” ni “Ghost Employees at RPT shares scam mastermind” Vice Mayor Isko Moreno para panindigan ang maskara nilang “maka-mahirap.”

Pakikinabangan daw ng mga maralitang taga-Maynila, lalo na ang may Orange Card, ang bagong dialysis center sa Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Lumagda aniya sa joint venture agreement ang pamahalaang lokal ng Maynila sa B. Braun Medical Supplies Philippines Inc., na nagpapahintulot na mag-supply ang kompanya ng dialysis machines at ito ang mag-o-operate ng pasilidad.

Kuwestiyonable ang propaganda ni Erap na walang gagastusin ang Manila government ni isang kusing para sa proyektong ito.

Paanong magiging libre ang serbisyo ng dialysis center sa Orange Card holders samantalang noong nakalipas na Nobyembre ay inaprubahan ng Manila City Council ang resolution na naglalaan ng P150-M para sa Orange Card health care program ni Erap?

READ MORE:  MTPB pahirap sa masa, panggulo sa MMDA

Batay sa resolution, ang P150 –M ay ipambabayad sa mga laboratory tests, pambili ng gamot at supplies, PhilHealth cards, at iba pang gastusin na nakapaloob sa programa.

Natural na kasama sa babayaran sa P150-M ang pagpapa-dialysis ng Orange card holders sa bagong dialysis center.

Malinaw na WALANG LIBRE, lahat ng serbisyo sa anim na ospital ng lokal na pamahalaan ay may bayad na.

Sa iskemang JVA, nakapaloob ang lahat ng pondong puwedeng ibulsa ng pangkat ni Erap at kakutsaba niyang kompanya dahil ito ang magbibigay sa City Hall ng bill ng mga serbisyong ipinagkaloob nila sa Orange card holder.

Kung pribadong kompanya ang nangangasiwa sa operasyon ng pasilidad, gaya ng bagong dialysis center, hindi ito mabubusisi ng Commission on Audit (COA).

Magtataka pa ba tayo kung bakit nagkakandarapa si Erap na ipasok sa JVA ang lahat ng pasilidad na pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan ng Maynila, kahit ang operasyon ng Lacson underpass?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved