Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Advise ni Mayor Lim kay Sec. Roxas

Advise ni Mayor Lim kay Sec. Roxas

00 pulis joeySI Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ay ipinanganak na mayaman. Pero mula siya sa angkan ng mga mabubuting tao at politiko. Apo siya ng dating Presidente Manuel Roxas at anak ng dating Senador Gerry Roxas Sr. mula sa Capiz.

Kaya’t hindi niya kasalanan maging mayaman. Pero siya ay may pusong maka-mahirap. Yun nga lang hindi nya makunbinsi ang mga kakababayan nating maralita sa kanyang pangarap na pamunuan ang mga ito.

Sa bawat bagay na gawin niya tulad ng pagbuhat ng sako ng sibuyas, pagganap na karpintero, driver at traffic enforcer ay sinasabihan siyang “trying hard”.

Si Mar ay katulad rin ni PNoy na anak ng mayayaman haciendero at politiko.

Ang mother ni PNoy na si yumaong ex-President Cory Cojuangco-Aquino ay haciendera. Ang kanyang ama ay si dating yumaong Senador Ninoy Aquino, ang mortal na kalaban sa politika ni yumaong ex-Pres. Marcos.

Pero bakit pinagkatiwalian natin si PNoy? Inihalal natin siya noong 2010.

Bakit hindi rin natin pagkatiwalaan si Mar na punung puno rin ng karanasan sa pagiging public servant? Nagsimula rin siya sa pagiging kongresista, naging kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) at naging senador na walang bahid ng katiwalian ang pangalan.

Pero may certain advise si Mayor Fred Lim kay Mar para makuha niya ang tiwala at simpatya ng masa. Ito ay ang tanggalin lahat ng masasamang kagawad ng Philippine National Police (PNP).

Oo, sa kanyang kaarawan kahapon, sinabi ni Lim, dating 2-star Police General na nagsimula sa patrolman, na ang dapat gawin ni Mar para manalo sa puso ng masa ay rebyuhin ang listahan ng mga pulis sa Napolcom at sibakin lahat ng mga pulis na may mga grabeng kaso laluna yung sangkot sa droga at hulidap!

“Di ba galit ang mga tao sa masasamang pulis? Yun ang gawin ni Mar. Sibakin nya lahat ng masasamang pulis. Marami yan e. Kapag nagawa nya yan, tiyak hindi na siya makalilimutan ng mga tao.”

Korek si Mayor Lim!

Ganito rin actually ang ginawa nina Mayor Rody Duterte ng Davao City at Lim kung kaya’t mahal ng masa.

Sa Davao, bawal ang kriminal. Ang sinumang ayaw magbago, tiyak pupulutin sa tabi ng kalye na butas ang ulo.

Sa Maynila, sa panahon ni Lim, ang pulis na nasasangkot sa kalokohan, sibak! Ang mga nakagagawa ng karumal-dumal na krimen, nang-agaw ng armas ng pulis, patay! Ang drug pushers na ayaw magbago, pinipinturahan ang bahay ng “Bahay ng drug pushers, layas!”.

Kayang kaya itong gawin ni Mar kung gusto niya. Dahil nasa ilalim ng kanyang tanggapan ang PNP at Napolcom.

Sa panahon kasi ngayon, na grabeng kriminalidad, sobrang talamak ang droga, ang hanap ng mga taong maging lider ay taong may yagbols! Kaya nga iginigiit ng marami sina Duterte at Lim maging Presidente pagkatapos ni PNoy sa 2016 dahil sa kanilang tigasin na imahe.

Ano, Sec. Mar Roxas, kaya mo ba ito? Let’s do it…Now na!!!

4-way battle sa mayoral sa Maynila sa 2016

17 months nalang ay eleksyo na! Kaya naman ang mga politiko ay naghahanda na ngayon ng kanilang magiging lineup at plataporma de gobyerno para sa Mayo 9, 2016 election.

Isa sa pinaka-exciting na tiyak na aabangan ay ang labanan sa mayor sa Maynila.

Apat ang malamang na mahigpit na maglalaban sa lungsod. Ito’y ang orig na misis ni Erap na si Dra. Loy, si outgoing Congressman Amado Bagatsing, si outgoing Vice Mayor Isko Moreno at ang magbabalik na si Fred Lim.

Hindi na raw kasi tatakbo si Erap dahil magre-retire na siya sa politika… or baka ma-disqualify siya ng Korte Suprema. Tingnan natin sa Enero 20 kung maibababa ng Kataastaasang Hukuman ang desisyon sa kaso niya.

Kung si Dra. Loi ang patatakbuhin ni Erap, olat na si Isko lalo’t dami nang galit sa kanya ng mga drivers at vendors dahil sa mga bata niyang puros kotong at towing!

Si Bagatsing may pondong KABAKA. Malaki ang bilang nito.

Pero ang pinakamatindi, si Lim, walang kupas ang suporters. Lalo pa nga yatang lumakas dahil nami-miss ng mga mahihirap ang libreng serbisyo sa anim na hospital sa lungsod at libreng school supplies tuwing pasukan. Miss narin siya ng vendors at drivers dahil noong panahon niya ay konti lang ang kotong at walang towing!

Ito ang mas maganda… Alam nyo ba kung sino ang magiging running mate ni Lim, hindi na si Lou Veloso, kundi ang napakabait na si outgoing 1st District Congressman ATONG ASILO! Oha? Merry Christmas, Congressman!!!

At para naman sa mga taga-Tondo 1 na gustong malaman kung sinu-sino ang mga tatakbong kongresista sa distrito, ayon sa aking sources, ito’y sina outgoing councilors Ernix Dionisio, Ian or Mina Nieva, Dennis Alcoriza, Obet Asilo at ang mabait na apo ni Lim na si Nino dela Cruz.

Pero sa lahat ng ito, ang pinaka may pera at inaanak ni Erap ay si Alcoriza. Malakas ang batang ito.

Pero sa gandang lalaki nina Ernix at Nino at macho ni Kuya Obet, tiyak na magkakahati-hati ang boto. Magkakatalo nalang sa bilihan. Hehehe… Lamang na ang may pera.

Anyway, ang lahat nang ito’y damdamin ko pa lamang. Malalaman natin ang final lineup sa kalagitnaan ng 2015.

Para sa aking mga suki, pasensya na kung hindi ko nailabas ang mga text nyo. Bukas nalang, pramiz! Merry Chrismas na sa inyong lahat. Punta nalang kayo sa bahay ni Vice Mayor Atong. May mga nakabalot na run! Hehehe…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved