Tuesday , April 23 2024

14 sasakyan nagkarambola 15 sugatan (Sa Baguio City)

072414 road traffic accidentUMABOT sa 15 katao ang sugatan makaraan magkarambola ang 14 sasakyan dakong 7 p.m. nitong Sabado sa Baguio City.

Ayon sa ulat, inararo ng isang delivery truck ng LPG ang 13 sasakyang pababa ng Brgy. San Vicente sa bahagi ng Kennon Road.

Ayon kay Fritz Moyag ng “On-call 911” rescue unit, kabilang sa mga sugatan ang isang kritikal na 8-anyos batang babaeng sakay ng isang jeep.

Sugatan din ang mismong truck driver na si Corla Constante. Nakunan pa ng video ang isinagawang paghugot kay Constante mula sa pagkaipit sa truck.

Habang ayon sa pahinanteng si John Ray Calimlim, nawalan ng preno ang truck habang pababa ng Kennon Road.

Ginagamot sa Baguio General Hospital ang mga biktima.

About hataw tabloid

Check Also

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng …

Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) …

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa …

Paco Catholic School Fire Sunog

Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES

INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *