Wednesday , May 21 2025

6 patay kasunod ng hostage drama (LPG hose tinanggal ng suspek)

122114_FRONTLEGAZPI CITY – Anim katao ang patay sa naganap na sunog sa isang boarding house sa Brgy. Kimantong, bayan ng Daraga, sa Albay makaraan ang hostage drama kahapon ng madaling-araw.

Dakong tanghali kahapon, anim bangkay ang narekober mula sa natupok na gusali kabilang ang isang lalaking nagresponde upang tulungan ang kasintahan na ini-hostage ng suspek.

Kinilala ang nasabing biktima na si Lino Ladronio, residente ng Brgy. Rizal sa lungsod ng Legazpi.

Una rito, nag-ugat ang sunog makaraan tanggalin ng naghuramentadong hostage taker na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala, ang hose ng isang LPG tank sa loob ng nasabing gusali habang hawak ang kanyang bihag.

Bukod sa nasabing bihag, isa sa nagrespondeng pulis na si PO1 Bancuro Laurel ay nasaksak din ng suspek.

Napilitan ang mga pulis na paputukan ang suspek na agad niyang ikinamatay.

Samantala, naniniwala ang pulisya na may diperensya sa pag-iisip ang suspek at mula sa malayong lugar na sumabay lamang sa dumaraang bus patungo sa Visayas at Mindanao region.

Patuloy na sinusuyod ng SOCO at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nasunog na gusali upang matukoy kung may mga bangkay pa sa loob nito.

3 sugatan sa hostage taking sa FM station

GENERAL SANTOS CITY – Tatlo ang sugatan sa naganap na hostage taking Campus Radio sa nasabing lungsod.

Ayon sa manager ng FM station na si Ben Tulio, kabilang sa mga sugatan ay ang disk jockey na si Angel Untal o mas kilala sa tawag na si Mama Angel, technician na si Junie Batic-batic, at isa pa na hindi muna pinangalan.

Batay sa inisyal na impormasyon, pinasok ng mga miyembro ng SWAT team ang himpilan para iligtas ang mga biktima hanggang sa tuluyang ma-neutralize ang suspek.

Sinasabi ng ilang pulis na may diperensya sa pag-iisip ang suspek.

Ginamit na armas ng suspek ang kaputol ng binasag na salamin.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente makaraan maaresto ng mga awtoridad ang suspek.

Beth Julian

About hataw tabloid

Check Also

Alfred Vargas PM Vargas

Alfred Vargas nagpasalamat sa double victory; Programang pang-edukasyon uunahin

DOBLE-DOBLENG pasasalamat ang ibinahagi ni Alfred Vargas sa mga taga-District 5 ng Quezon City na sa ikalawang …

Willie Revillame

Willie wala na raw ganang tumulong?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE rin ang mga naglabasang saloobin umano ni Willie Revillame hinggil sa pagkatalo …

Xian Gaza Isko Moreno

Yorme Isko bubuwelta sa mga naninira; Post ni Xian Gaza binura?

I-FLEXni Jun Nardo ISANG matapang na tanong  ang inilabas sa Yorme’s Choice page sa Facebook nitong nakaraang mga araw. …

Rice, Bigas

P20 rice program isusulong sa Navotas

MAAARI nang makabili ng halagang P20.00 kada kilo ng bigas ang mga residente ng Navotas …

Motorcycle Hand

Operasyon ng motorcycle taxi company ‘status quo’ – LTFRB

MANANATILI ang operasyon o ‘status quo’ ang pagbiyahe ng motorcycle taxi na Move It. Inihayag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *