Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Happy Birthday Mayor Alfredo Lim!

Happy Birthday Mayor Alfredo Lim!

00 Bulabugin jerry yap jsyISANG maligayang kaarawan ang gusto natin ipaabot kay Mayor Alfredo Lim sa kanyang pagdiriwang ngayong araw …

Pero higit sa lahat nais natin ipaabot kay Mayor Lim na maraming Manileño ang miss na miss na ang tunay na serbisyo publiko na naranasan nila sa alkalde ng Maynila.

Ibang-iba raw sa mga nakaupo ngayon na kahit kailan ay hindi nila mami-miss dahil wala naman daw ginagawang mabuting paglilingkod para sa mamamayan.

May kotong na sa iba’t ibang tanggapan, may kotong pa hanggang kalye at mga eskinita.

Sonabagan!

Walang nakami-miss sa kanila kasi hindi naman sila ang nagpatayo ng anim na hospital at ng dalawang evacuation center. Kapag may kalamidad, madaling araw pa lang nasa kalsada na si Mayor Lim at umiikot at inaalam ang kalagayan ng constituents nya.

Si Mayor, ultimo eskinita at maliliit na kalyehon ay ipinagawa niya lalo na ‘yung mga madalas bahain.

Kaya huwag kayong magtaka kung bakit miss na miss na ng mga Manileño si Mayor Lim.

Anyway, para roon sa mga nakaupo… magpakitang-gilas naman kayo nang ma-miss naman kayo ng mga Manileño!

Pwede ba!?

Bonggang christmas party ng PCOO sa Tagaytay

WOW hindi pala tunay na nagtitipid ang Palasyo.

READ MORE:  Mga pekeng whitening products nagkalat

Katunayan ang Christmas party ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ay ginanap sa isang maluhong lugar sa Tagaytay.

Of course kasama sa nasabing bonggacious  Christmas party ang nati-tsismis na lovey-dovey ng palasyo.

Nakalilito kayo PCOO!

Sabi ng Malacañang, kailangan magtipid at huwag gumastos sa Christmas party.

‘E bakit po ‘yung yunit na kinabibilangan ng lovey-dovey sa Malacañang gumastos nang malaki?!

Ano ba talaga PNOY?

Hindi na tayo nagtaka kung bakit lagi kayong natitsismis … lagi rin kasi kayong magkasama kahit saan at kahit kailan …

Tama ba ko Ms. Abigael Valte?

Ibang klase pa rin si Mayor Lim

SA PAMUMUN0 ni ‘May0r Fred Lim” dit0 sa Maynila tunay na na-ging huwaran ang lungs0d na it0,naging ehempl0 pa sa karamihan at salamin kung papaan0 maglingk0d ng tunay at tama. Iba talaga kapag t0t00ng ta0 at tunay na nagmamahal sa bayan at mga mamamayan at sumusun0d sa mga ut0s ng Diy0s at batas sa lipunan. Yan ang tunay na pang w0rld class bilang isang lider, wala nang ‘makakatapat’ pa sa galing at husay sa paglilingk0d ni may0r Alfred0 Lim…” Mabuhay p0 kay0!

Panawagan sa mga Senador

GOOD pm idol. Pakigising naman ung isipan ng mga senador at iba pang bugok na mga opisyal ng governo. Pakisabi naman tulungan naman nila ung nasalanta ng bagyo kasi magpa-Pasko na kung ayaw nila e wag na sila puro porma jan sa senado.

READ MORE:  Signos kay SAP Bong Go si ACTS OFW Rep. Bertiz

+63918265 – – – –

Suko kay Binay

Hoy Mr. Vice Binay, hndi tanga ang taongbayan, pwera na lang kung iboboto k uli ng mga taong niloko m at lolokohin muli, tanga na lang ang boboto uli sau at yon na yng mga naambunan m sa ninakaw mo na pera ng bayan. Alam m Vice Binay kahit cinong tao kahit ako mukhang pera, kya ang ibng tao nangingibng bansa d ahil hangad nila makaling kita o pera. Para lahat ng gusto nilang bilhn ay mabibili nila. Kagaya ko, ikaw at sa lahat ng tao.walang taong hndi naghaha-ngad ng pera o kayamanan kaya lahat ng puolitiko iisa ang layunin magkamal ng pera. Kaya kayo naman mga botante pumili tau ng pwdng pagkatiwalaan, na tlagang walang karanasan sa pagnanakaw. kilala nu kng cno mga yon. Kaya ikaw Binay lahat na lang ina-ayawan mo, debate o d kaya patthanin m ang mga paratang sau na hndi totoo ang mga sinasabi nila, para maniwala kmi sau. Wlang lokohan paano kb yumaman, Intsik kb? Saan galing ang kayamanan m? Kaya magpakatotoo ka, olikba.

READ MORE:  Palakpakan sa gera vs droga

+63930463 – – – –

Agrabiyado sa sahod ang driver

KAYA KO PO NAITANUNG KC PO DRIVER PO AKO NI MARYAM CUCUECO ISA PO CLA SA MGA ALIPORES NI NAPOLES NA MGA NAGTATAGO AT NAKATIRA DYAN SA VALE VERDE1 CHATEAU CONDO.ANG SISTE PO EH NANG AKO AY KANYANG HINIRED ANG MONTHLY KO DAW AY 10K ANG PAGKAKAINTINDI KO DAPAT 2500/WEEK.DI PO BA?UN DAY OFF KO DAW KAYA’T 26 DAYS NA LANG.ANG SISTE PO 10K/26 ANG GINAWA NYANG COMPUTATION.

 Drug Test sa QC

SIR IPAALAM NYO PO SANA NA UNG MGA ILANG EMPLEYADO NG BOC NG QC HALL MGA TALAMAK NA ADIK SANA IPABIGLAANG DRUGTEST ANG MGA YAN…. CÖNCERNED LANG PO AKO. AT ISA PA PO UNG MGA NAMAMASURA PO DYAN SA NIA RD Q.C. GLID NG BIR BLDG.AT NAPOCOR GRBE ANG TALAMAK NG BENTAHAN AT PWESTOHAN MIZMU SA KALSADA NG MGA NAKATRAPAL HABANG BINABALE WALA DIN LANG PO NG PDEA AT NG STATION 10 SANA PO PAki-AKSYONAN NYO PO SIR. PLZ. LANG PO…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved