Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Justice Secretary Leila De Lima hinahamon na ng Emperor Int’l Ktv Club at K-One KTV Bar

Justice Secretary Leila De Lima hinahamon na ng Emperor Int’l Ktv Club at K-One KTV Bar

00 Bulabugin jerry yap jsyBUMILIB tayo sa ipinakitang tapang ni Justice Secretary Leila De Lima nang pangunahan niya ang pagsalakay sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa kaugnay ng mga napapabalitang pagbubuhay-hari ng mga convicted drug lords na nakapiit doon.

At mismo, natambad sa mga mata ni Secretary De Lima ang walang pangalawang pang-aabuso sa batas ng mga convicted drug lords at pakikipagsabwatan ng ilang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).

(Kailan kaya pananagutin ni Secretary De Lima ‘yang mga opisyal na ‘yan? Hindi kaya dapat unahin si D/G Franklin Bucayo?!)

Anyway, gusto natin muling makita ang tapang ni Secretary De Lima laban sa mga human/sex trafficker lalo na roon sa mga tila walang takot na operator ng K-ONE KTV Bar d’yan sa kanto ng San Fernando at Sto. Cristo streets sa Binondo at Emperor International KTV Club d’yan sa Remedios St., Malate, Maynila.

Kung ang mga drug lord sa Bilibid mayroong Chinese nationals, d’yan sa K-ONE at Emperor International, mga babaeng Chinese nationals din ang inirarampang mga pokpok.

Kapwa na-raid na ng mga awtoridad ang dalawang KTV bar na ‘yan pero ang ipinagtataka natin hindi pa naglilipas-linggo ‘e nagbukas na naman.

Sonabagan!

Anong POWER mayroon ang K-ONE at Emperor Int’l KTV bar at mabilis silang nakababalik sa kanilang ‘pokpok’ operations kahit sinalakay na sila ng mga operatiba gaya ng National Bureau of Investigation (NBI) at CIDG.

READ MORE:  Notorious riding-in-tandem nalipol

Madam Leila De Lima, mukhang POWERS ninyo ang kailangan laban sa mga KTV club na ‘yan na rampahan ng mga pokpok na Chinese nationals.

Kung hindi tayo nagkakamali, maging ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ay naluma sa POWERS ng mga operator ng dalawang KTV club na ‘yan.

Natiyope ang mga sindikato sa loob ng Bilibid kay Secretary Leila, ganoon din kaya ang mangyari sa K-ONE at sa Emperor International kapag ang Kalihim ng Katarungan ang namuno sa pagsalakay d’yan sa sinasabing isa sa dalawang KTV club na talamak ang human trafficking at pokpokan?!

Ano sa palagay ninyo, Madam Secretary?!

Hihintayin po namin ang POWERS ninyo laban sa K-ONE at Emperor International, Secretary Leila!

Tulak ng shabu sa Cabrera St., Pasay City namamayagpag

TUKOY NA TUKOY ng mga kapitbahay d’yan sa Cabrera St., sa Pasay City kung sino ang numero unong tulak sa kanilang lugar.

Pero wala silang magawa, dahil tila malakas ang kapit nitong isang alyas RANDY BATO sa mga awtoridad.

Bistado na umano ng mga awtoridad ang modus operandi ni alyas Randy Bato pero nagtataka sila kung bakit hindi natitiklo?!

READ MORE:  Inaalat si Cayetano

Sandamakmak na umano ang adik d’yan sa Cabrera St., na sinabing pinamumugaran ng mga snatcher at holdaper na sagad-sagaran din kung tumira ng shabu.

Pasay chief of police (COP) Sr. Supt. Melchor Reyes, pwede bang pasadahan ninyo ‘yang Cabrera St., at ‘yung lungga ni alyas Randy Bato?!

Galaw-galaw Sir, habang wala pa ang suspension laban sa inyo!

Kotong sa Parola TODA, alam mo ba MTPB Carter Logica?

SIR sumbong ko lng 2 Metro North Impounding 2 buwan n sila wala trabaho pero tuloy daw ang koleksyon kahit wala cla kaya kuha nya dto sa Parola toda 7k wk utos daw sa kanila ni mtpb Chief Carter at ang hepe nla sa North kaya pala dati ang kotse gamit Carter Luma ngayon bago na at Avanza pa na may 2 bodyguard pa na Police maynila na xia lang bnabantayan sa pagalis at paguwi paki imbestigahan po sana ni MPD Director P/SSUPT Nana 2. pls wag ilagay Cp ko member ng Parola toda.

+63916440 – – – –

I-drug test ang mga tauhan ng RWM Towing

Dapat sa mga tauhan ng mga towing at Crew kasama ang kanilang mga Team Leader ay dapat sumailalim sa Drug Test dahil marami sa mga ito ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamut. ito ang binulgar ng ilang tauhan ng nasabing mga towing dahil sa sila ay natanggal na dahil sa laki ng kinikita nla bawat huli ay nagagawa pa nitong dumiskarte at hndi na pnapaalam sa nasabing may ari ng Wreker lalo na jan sa lugar ng Harrisson impounding Area. alam kaya ni mayor Erap 2 at nagagamit pa ang kanyang pangalan ng mga 2 dapat hndi muling pinag-operate ang Rwm. at un mga pulis na sinibak sa traffic ay muling nabalik upang magkamal ng pera sa bawat mahihila nila. pls hwag ilagay cp ko officer toda po ako

READ MORE:  Ang Katipunan

+6392928 – – – –

Mag-ingat sa pagbabagahe ng Puregold Commonwealth

Coment Q lng po s puregold comMonwelt ukol s mga binabagaheng pinamili ng costumer n nilalagay sa carton. isa po ako sa namimili d2 palagi napakapoor ng kanilang pgkakarton ng mga de bote hndi man lng nila nilalagyan ng suporta sa ilalim ng carton kundi tali lng. ni tape wala kaya pag binuhat mo nguunahan n mgkalaglag lalo pag inalis mo na ung tali at ilipat u pang idisplay lugi kana pg nabasagan ka.+63921786 – – – –

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved