Tuesday , April 23 2024

Ika-3 suspek sa Belmonte ambush timbog

121214 belmonte ambushCAGAYAN DE ORO CITY – Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang  pangatlong suspek sa pag-ambush sa grupo ni Iligan City Lone District Rep. Vicente Belmonte sa Laguindingan, Misamis Oriental na ikinamatayng tatlo katao habang apat ang sugatan.

Sinabi ni provincial administrator Jun Pacamalan, ang mga residente ng Brgy. Gasi sa Laguindingan ang nakahuli sa nasabing suspek kamakalawa at dinala sa Laguindingan-PNP.

Ayon sa mga residente, bigla na lamang lumabas ang suspek sa nasabing lugar at tumakbo na naging dahilan upang siya ay habulin ng mga sibilyan.

Base sa cedula na nakuha galing sa posisyon ng suspek, kinilala siya sa pangalang Rene Hareol, 38, ng Balagtasa, Maigo, Lanao del Sur.

Una nang nahuli ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Tata Dokumento, ng Tambo, Iligan City, at Dominador Tumala ng Zamboanga City.

About hataw tabloid

Check Also

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng …

Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) …

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa …

Paco Catholic School Fire Sunog

Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES

INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *