Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Leonen: Disqualified si Erap habambuhay

Leonen: Disqualified si Erap habambuhay

00 Kalampag percyINILIGWAK kamakalawa ng isang pahayagan ang iniakdang desisyon ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen na hindi na maaring kumandidato habambuhay sa alinmang puwesto si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada.

Ito’y mistulang malakas na sampal sa makapal na pagmumukha ni Erap para magising sa katotohanan na may mga umiiral na batas sa bansa na ipinagbabawal humawak ng posisyon sa gobyerno ang mga tulad niya na sentensiyadong kriminal.

Ginawang batayan ni Leonen sa kanyang ponencia ang kasong Monsanto versus Factoran na nagsasaad na kahit pinagkalooban ng pardon ng Pangulo ng bansa ang isang sentensiyadong kriminal, tulad ni Salvacion Monsanto, dating assistant city treasurer ng Calbayog City, ipinagbabawal sa Article 36 at 41 ng Revised Penal Code (RPC) na makabalik o maluklok siya sa alimang posisyon sa pamahalaan.

Minsan na nating naisulat ang kasong Aratea vs Comelec at Antipolo ay puwedeng maging basehan sa pagpapasya sa disqualification case ni Erap.

Pinahintulutan ng SC ang pumangalawang si Estela Delos-Antipolo na maupo bilang alkalde ng San Antonio, Zambales, at hindi si Vice Mayor Efren Aratea, dahil hindi itinuturing na naging kandidatong mayor kahit pa nanalo sa halalan si Romeo Lonzanida na isang convicted criminal.

Kanselado ang inihaing Certificate of Candidacy ni Lonzanida at idineklarang siya ay disqualified na kumandidato habambuhay sa alinmang posisyon sa gobyerno dahil, tulad ni Erap, siya ay convicted criminal.

READ MORE:  Boracay, nawawalang paraiso sa Malay, Aklan

Ibig sabihin kapag idineklarang disqualified candidate si Erap, si Mayor Alfredo Lim ang tunay na alkalde dahil siya lang ang bukod tanging kuwalipikadong mayoralty candidate na tumakbo at nakalaban ni Erap noong 2013 elections.

Malinaw din ang mensahe ni Mayor Lim noong May 14, 2013, “We respect and acknowledge the said proclamation and wish them all the best.”

At ang paglahok ni Mayor Lim bilang intervenor sa DQ case ang mismong katibayan ng hindi niya pagkilala sa kuwalipikasyon ni Erap bilang kandidato.

“Motion to Slow Motion”

UPANG maigiit ang illegal na pag-upo bilang alkalde ng Maynila, may ikinasang contingency plan na matagal nang ikinakalat ng kampo ni Erap at ng mga garapata niyang desperado.

Una, maghahain ng “motion to slow motion” este, motion for reconsideration (MR) sa pasya ng SC kapag disqualified siya, batay raw sa prinsipyong ‘Vox Populi, Vox Dei’ o ‘The Voice of the People, the Voice of God.”

Pakay ng ihahain nilang MR ay maudlot ang pagsipa kay Erap bilang “de facto” mayor ng Maynila at lalakarin na mapatagal ang implementasyon ng desisyon hanggang 2016.

Pero may mga nauna nang jurisprudence o ibinabang desisyon ang Korte Suprema na niliwanag ang tunay at legal na kahulugan ng prinsipyong vox populi, vox dei sa batas.

READ MORE:  Botcha King ng Metro Manila, taga-Bulacan lang!

Sa kasong Maquiling v. Comelec at Frivaldo v. COMELEC, sinabi ng SC na balewala o walang bisa ang mga botong nakuha ng isang disqualified candidate dahil hindi naman siya itinuring na kandidato sa halalan.

Para que pa nga naman na ipinagbawal pang makatakbo ang mga sentensiyadong kriminal pero mababalewala rin naman pala ang batas kapag sila ay nanalo at naiproklama na.

Magre-resign daw bago bumaba ang desisyon

IKALAWANG pakana at pinaplano ng kampo ni Erap ang pagbibitiw sa puwesto bago idiskuwalipika ng SC sa Enero 20, 2015 upang isalin ang trono kay “RPT shares scam brains” at “Ghost employees scam mastermind” Vice Mayor Isko Moreno.

Ang senaryo ay para magkagulo at may posturang magamit si Isko na igiit ang kanyang sarili bilang alkalde.

Sapantaha nila, magiging moot and academic o mababalewala ang disqualification kay Erap kung kusa niyang lilisanin ang puwesto.

Pero ang malaking problema nga lang, paano at saan magre-resign si Erap kung sa simula ay disqualified siya at walang basehan ang kanyang pag-upo bilang alkalde na kung tawagin sa batas ay de facto?

Ibig lang sabihin, kung hindi ituring na naging kandidato si Erap at kanselado ang kanyang COC ay lalong hindi siya maituturing na naging alkalde ng Maynila.

READ MORE:  Komite ni Sen. Sonny Angara takot nga ba o ‘pasok’ sa gambling lords? (Part 4)

Kahit sa antas ng simpleng sentido-kumon, mga tanga lang ang maaaring makaisip nito.

Susan: Ako ang matalik na kaibigan ni FPJ

TINULDUKAN ni Ms. Susan Roces ang malaon nang pagpapanggap nina Erap at VP Jejomar Binay na ‘di umano’y matalik silang kaibigan at tunay na kaalyado ng yumaong esposo na si FPJ.

Sa isang panayam, sinabi ni Susan na siya lang ang bukod-tanging matalik na kaibigan ni FPJ hanggang malagutan ng hininga noong 2004.

Nauna rito, inihayag ni Sen. Grace Poe ang kanyang agam-agam na lumahok sa 2016 presidential derby dahil sa pangambang maranasan niya ang pag-iwan o katraydoran sa kanyang ama ng mga itinuring na kaibigan noong nadaya na sa eleksyon.

Kulang na lang diretsahin ng mag-ina ni FPJ na tigilan na nina Erap at Binay ang paglalako ng kasinungalingan dahil alam na nila ang mga lihim ng Guadalupe sa paggamit nila sa namayapang action king para maisulong ang kanilang personal at political agenda.

Aray ko po!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved