Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / High profile criminals buhay-hari sa Bilibid

High profile criminals buhay-hari sa Bilibid

00 pulis joeySINALAKAY o ni-raid Lunes ng umaga ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pamumuno ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima ang National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Pinasok ng operatives ang 19 kuwarto ng mga kilalang convicted drug lords at gang leader sa Maximum Compound.

Natuklasan dito ang mga mistulang kuwarto sa palasyo ng mga demonyo na kompleto sa kagamitan. Buhay-hari sila sa Bilibid! Grabeh!!!

Nasamsam sa nasabing mga kuwarto ang bultu-bultong shabu, milyong pera, gadgets, mga baril, milyones na halaga ng mga alahas at mamahaling gamit sa kuwarto.

Kaya naman galit na galit si Madam Liela sa kanyang mga nasaksihan. Hindi niya raw akalain na ang mga high profile criminal ay napakarangya pala ng pamumuhay sa oblo ng maximum security ng Bilibid. Talong-talo nga raw ang buhay ng mga mayayaman sa labas.

Kaya sa galit ni Madam Leila, pinalipat niya ng kulungan ang 19 drug lords na kinabibilangan nina Peter Co, gang leader Herbert “Ampang” Colangco at German Agojo sa NBI Detention Center habang hinahanapan pa umano ng pasilidad na pagkukulungan ng mga demonyo.

READ MORE:  Nat’l Security, etc. apektado sa K12

Ito ang sinasabi natin na kung mayroong parusang BITAY sa drug lords at high profile criminals, ‘di sana’y hindi ngayon namomroblema ang gobyerno sa pagdadalhan sa mga kampon ni Satanas!

Ibalik n’yo na kasi ang BITAY, mga mambabatas, Pls….

Teka, Madam Leila, hindi naman magbubuhay-hari ang mga demonyong ‘yan kung hindi pinahintulutan ng iyong mga opisyal sa Bureau of Corrections at NBP…

Palitan mo na rin lahat ng mga opisyal at mga may tahid na guards d’yan sa Bilibid! Now na!!!

‘Di na raw tatakbo si Erap sa 2016, ‘disqualified’ kasi!

REAKSIYON ni Erap sa banner ng Manila Times nitong Lunes na “disqualified” siya sa draft ng ponente ng kanyang disqualification case na si Justice Marvic Leonen, hindi na siya magtatangka ng 2nd term as mayor ng Maynila sa 2016.

Ipapasa niya na raw kay Vice Mayor Isko Moreno ang Maynila. Hindi nga?

Ganito rin ang naging pahayag noon ni Erap matapos siyang bigyan ng ‘conditional pardon’ o ‘executive clemency’ ni dating President Gloria M. Arroyo. Pero pagdating ng 2010 Presidential election ay tumakbo rin. Pumangalawa pa siya kay PNoy.

READ MORE:  Sen. Chiz Escudero, poorest senator?

At nitong 2013 ay kumandidato uli siyang mayor sa Maynila mula sa San Juan, matapos sulsulan ng mga konsehal sa pamumuno ni “Isko” na nabanas kay Mayor Lim dahil laging nabe-veto o nababasura ang kanilang mga “raket” na ordinansa.

At sa tulong ng 30 konsehal, religious groups at mga bayarang organizations ay nanalo si Erap nang higit 30,000 laban kay Lim.

Pero, kinuwestyon ng isang Atty. Alice Vidal at nag-intervene si Lim sa kandidatura ni Erap. Kasi nga convicted criminal (Plunder) si Erap at hindi absolute ang kanyang pardon kaya wala na siyang karapatang humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Actually, nang tumakbo siyang presidente noong 2010 ay kinasuhan na siya ng disqualification case. Hindi na nga lang nadesisyonan ng Korte Suprema dahil balewala na rin dahil natalo siya kay PNoy.

READ MORE:  Pakinabang sa ASEAN

Ngayong dedesisyonan na ng Kataastasahang Hukuman ang isinampang disqualification case nina Atty. Vidal at nag-”leak” sa media ang draft ni Justice Leonen na disqualified si Erap, bagama’t sa Enero 20, 2015 pa ito pagbobotohan sa enbanc ng 15 Punong Mahistrado, nagpahayag si Erap na magreretiro na rin naman siya sa politika. Si Isko na raw ang bahalang magpatuloy sa kanyang mga ‘programa’ sa Maynila.

Ang kaso, sa nabanggit na draft ni Leonen, may mga binanggit na jurisprudence o mga napagdesisyonang kaso ang Korte Suprema na ang maaaring pumalit sa nanalong “hindi kwalipikadong kandidato” ay katunggali na pumangalawang nakakuha ng pinakamalaking boto. Ibig sabihin, kapag na-disqualify si Erap sa Enero 20, ang uupong alkalde ng Maynila ay hindi si Isko kundi si Lim.

Kaabang-abang ito… sa Enero 20 na po ito, my dearest Manileño!

 

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved