Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Duterte kailangan na rin ng bayan

Duterte kailangan na rin ng bayan

00 BANAT alvinNapapanahon na para pagbigyan ni Davao City Mayor Rudy Duterte ang panawagan ng sambayanan na paglingkuran niya ang buong bansa.

Ito kasi ang hamon ng kasalukuyang panahon dahil kilala ang mayor ng Davao City sa pagiging astig lalo na sa usapin ng peace and order.

Kaliwat kanan ang gulo sa bansa kaya’t hindi mamamatay-matay ang paghiling kay Duterte na sumabak na rin sa eleksyong nasyonal.

READ MORE:  UMak College of Nursing building overpriced din ng P579.4-M?!

Hindi nababagay sa Senado ang isang Rudy Duterte bagkus kailangan siya ng bayan sa mas mataas na posisyon na siyang tututok sa kri-minalidad sa bansa.

Araw-araw na ginawa ng Diyos ay hindi nawawala ang kaguluhan at mukhang lalo itong lumalala dahil wala nang kinatatakutan ang mamamayan.

Tapos na rin siguro ang tungkulin n’ya sa kanyang lungsod kaya’t napapanahon na rin si-gurong tugunan niya ang panawagan ng buong estado.

READ MORE:  PNoy, Binay at Erap magkakasabwat ba sa PAG-IBIG deal?

Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa matinong peace and order at dito tamang-tama ang katauhan ni Duterte na kilalang kalaban ng mga kriminal.

Napa-unlad na niya ang Davao dahil sa kanyang kakaibang estilo sa pakikibaka sa krimen kaya’t ito na ang inaantay ngayon ng buong sambayanan dahil talaga namang palala na ng palala ang kaguluhan sa bansa.

READ MORE:  Digong sumablay “I am very sorry.”

Patayan, nakawan, holdapan at droga ang solusyon ngayon ng bansa kaya’t napapanahon ang panawagan na lumahok na si Punisher sa labanan.

Ibang taktika na ang dapat subukan ng ba-yan sa krimen at dito angat sa labanan si Duterte.

 

 

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved