Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Ang hunyangong si Transport Payola Queen aling Ma-Ligaya

Ang hunyangong si Transport Payola Queen aling Ma-Ligaya

00 rex target logoMAKARAANG bumaligtad (69) at magpalipat ng kulay ang hunyangong si alias MALIGAYA mula sa pagiging loyal supporter kuno noon ni dating Mayor Alfredo Lim, tila magkasanggang-dikit na ngayon ang bruhang MA-LIGAYA at si VM Isko Moreno.

Nasisilip natin na tanging dahilan ang ‘makatas’ na payola sa transport sa Lawton na may ilang taon na daw pinakikinabangan nitong si Aling Ma-ligaya na maimpluwensiya sa nasabing barangay bagama’t sa lalawigan na ng Cavite naninirahan bukod pa sa kanyang marangyang condo unit sa Pasay City.

Isang nagngangalang alias Tupaz at Arroyo na kapwa tauhan ni Aling Ma-Ligaya ang tagapangasiwa ng mga illegal terminal na target ngayon ng operasyon ng MMDA.

Umabot daw sa isang daang (100) UV Express vans ang nahuli ng mga tauhan ni MASA Major Irinco na pawang mga colorum.

Ang nasabing operasyon ay iniutos mismo ni Manila Mayor Erap Estrada na nakararamdam na ng mga ‘pambubukol’ na ginagawa sa kanya ng ilang kapwa opisyal diyan sa Manila City Hall.

READ MORE:  Laban ni Digong kontra droga dapat maging laban din ng LGUs

Makaraang ibulgar natin sa nakaraang mga kolum ng TARGET ang kalahating milyong pisong (P.5M) payola mula sa nasabing terminal/transport na buwanang ini-entrega sa isang mataas na opisyal ng city hall, tila parang natutulog na dragon na biglang nagising si Erap sa mahimbing na pagkakatulog.

Hindi na tayo nagtataka kung bakit biglang nag-tumbling siAling Ma-Ligaya mula sa pagiging loyal Lim supporter tungo sa pagiging super fan ni VM Isko Moreno.

Isang maimpluwensiya umanong lider ng isang sekta ang naging tulay daw nitong si Aling Ma-Ligaya para makalapit sa kampo ni Isko Moreno.

Sa laki ba naman ng perang involved sa nasabing illegal terminal, tiyak na hahamaking lahat nitong si Aling Ma-Ligayaang ano mang relasyon sa dating administrasyon, maituloy lamang na makapamayagpag ang kanyang balon ng kabuhayan.

READ MORE:  Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa iba

Pero ang siste, tila gusto rin bumalimbing at mag-tumbling nina alias Tupaz at Arroyo laban kay Aling Ma-Ligaya na sa pananaw ng dalawang dorobo ay naiisahan sila ng bruhang matanda.

Hehehe!

Masayang senaryo ito kung sakali ngang ‘kakanta’ nang sintonado ang dalawang kolokoy na tauhan ni Aling Ma-Ligaya.

May suspetsa na rin raw si Aling Ma-Ligaya na mula kinaTupaz at Arroyo ang mga figures at iba pang detalyeng naglalabasan sa media laban sa nasabing payola sa Lawton.

Pati na rin ang eksatong halaga ng ‘butaw’ na ipinagkakaloob ng mga UV Express drivers sa grupo nitong si Aling Ma-Ligaya.

Malalim umano ang sindikato ng illegal terminal diyan sa Lawton na miyembro ng malalaking samahan ng transport ang karamihan sa drivers na nakatarima sa nasabing terminal.

READ MORE:  Nawawalang bagman ni VP Binay...

Malalim din ang karanasan ni Aling Ma-Ligaya para mapanatiling kanya ang mando at pagre-reyna sa pinag-aagawang paradahan.

May aksyon na rin umano noon ang konseho ng lungsod ng Maynila na nag-iendorso sa pagbuwag ng nasabing barangay diyan sa Lawton.

Kung ganito katindi ang raket patungkol sa illegal terminal diyan sa Lawton, hindi na tayo magtataka sa mga kuwentong may ilang indibidwal na ang nagbuwis ng buhay dahil sa punyetang illegal terminal na iyan.

Kung ano na ang nangyari sa mga patayang iniuugnay sa nasabing ‘paradahan’ ni Aling ‘Ma-Ligaya’ diyan sa Lawton ay ating pilit na huhukayin!

May kasunod…abangan!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved