Thursday , April 18 2024

Pinabilib tayo ni SILG Mar Roxas

00 Bulabugin jerry yap jsyPINAGTAWANAN ng ilang grupo ng netizens si Department of the Interior and Local Government Secretary Mar Roxas nang sumemplang sa sinasakyang motor habang nag-iikot para i-monitor ang kalagayan ng ating mga kababayan na sinasalanta ng bagyo nitong nakaraang weekend.

At para mai-justify ang kawalan nila ng habag sa kapwa o sabihin na nating pambu-bully sa isang opisyal ng gobyerno na nagtatrabaho ng oras na iyon para tiyakin ang kaligtasan ng mga kababayan at alamin ang pinsala sa pananalanta ng bagyong Ruby, biglang sumulpot ang isyu ng ‘semplang’ at ‘helmet.’

Pinag-initan ‘yung kesyo wala raw helmet si Secretary Mar at bad example raw kasi nagmo-motor siya nang walang helmet.

Jusko naman…

Nakalulungkot naman ang kulturang ito ng ilan nating kababayan.

Hindi po tayo maka-Mar Roxas pero imbes tingnan at purihin ang magandang ginagawa ni Secretary Mar, kaugnay ng kanyang HANDS-ON na pagmo-MONITOR sa kasagsagan ng bagyong RUBY, nakahanap pa ng butas para pulaan ang kanyang ginagawa.

Hindi natin gustong bigyan ng excuse ang hindi pagsusuot ng helmet ni Secretary Mar.

May kasabihan nga, SAFETY FIRST.

Pero, hindi ba puwedeng purihin muna natin si Secretary Mar bago punahin ang pagkukulang niya sa pagsusuot ng helmet?

Sa oras ba ng kalamidad ‘e maaalala mo pa bang mag-helmet?

Matapos malimi ang aral na natutuhan natin sa daluyong ni Yolanda, hindi na nagpatumpik-tumpik si Secretary Mar na pangunahan ang command centers ng bawat rehiyon, probinsiya at bayan na tinayang sasalantahin ng bagyong Ruby.

Ang pagsemplang ni Secretary Mar sa motorsiklo ay maliit na bagay kompara sa ginawa niyang pagsisikap na maabot ang ZERO CASUALTY sa nagdaang pananalasa ng bagyong Ruby.

Sa pagkakataong ito, tinubos ni Secretary Mar kung ano man ang naging kahinaan ng administrasyong Aquino noong nakaraang daluyong ng Yolanda.

Hindi na niya inisip ang kanyang helmet dahil nang mga oras na iyon, pangunahing concern niya ang pagtulong sa ating mga kababayan na sinasalanta ng bagyo noon.

Kaysa naman doon sa isang mama na umiikot pero wala naman kalamidad at parang nangangampanya na ‘di ba?

Iisa lang ang alam nating kasalanan ni Secretary Mar Roxas ngayon … ‘yung siya ang pinaniniwalaan ng marami na Liberal party stalwart at susunod na pangulo ng bansa.

‘Yun lang, kaya ang isyu ng ‘helmet’ ay pinalaking tila air balloon!

Ang nilipad na taklob ng Tacloban Airport at bunk houses

UMUSOK daw ang bumbunan ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) director general William Hotchkiss III dahil sa pagkawasak ng bubungan ng Tacloban Airport.

Kaya agad nag-utos na paiimbestigahan umano ng CAAP kung bakit ganyan ang kalidad ng ipina-repair na taklob ng Tacloban Airport.

Aba ‘e gumastos umano ng P150 milyones at katatapos lang i-repair ng Tacloban Airport. Kumbaga bago pa lang napakikinabangan ulit ng mga mamamayan, hayan at sira na naman?!

Ang ipinagtataka talaga natin bakit kapag pagawa ng gobyerno madaling mawasak?!

Gaya na lang ng bunk houses. Grabe ang pagkawasak.

Bakit naman ‘yung ipinagawang bunkhouses ng mga non-governmental organizations (NGOs), buong-buo pa rin?

Tsk tsk tsk …

Bakit kaya hindi na lang makipag-ugnayan ang pamahalaan sa mga NGO na mayroong mahuhusay na track record at sa kanila na lang ipamahala ang pagpapakontrata sa mga pagawaing ‘yan.

Palagay natin, mas titino ang mga serbisyong gaya niyan para sa mamamayan kung ipamamahala sa mga NGO na may mahuhusay na records.

Suhestiyon lang po ‘yan!

Welcome New Immigration Asscom. Atty. Gilbert U. Repizo!

HINDI nga nagkabisala ang ating sapantaha …

And the winner for the Immigration new Associate Commissioner is from Mindoro Oriental — Atty. Gilbert U. Repizo.

Welcome AssCom. Repizo!

Mukhang natalo ng UP Vanguards ang blue eagles? He he he…

Sinabi ko naman sa inyo, mas matindi ang patron nito di ba? Si Gov. Boy Umali at Cong. Rey Umali lang naman ang BFF ni Atty. Repizo.

Anyway, base sa mga feddback ng mga katoto natin sa Mindoro pawang maganda po ang natanggap nating mga feedback tungkol sa bagong Associate Commissioner na si Atty. Repizo.

Maayos ang family background sa Calapan, Oriental Mindoro at masasabi nating hindi kinakailangan magnakaw sa pondo ng gobyerno para magserbisyo.

AssCom. Repizo, you are very much welcome sa BI!

Unsolicited advice lang po, ingat-ingat lang kayo sa mga taong dikit nang dikit sa inyo.

Tiyak po ‘yun na maraming didikit sa inyo at aali-aligid sa inyo.

Para mang-urot, sumundot, magpa-bright bright at mang-intriga. Lalong mag-iingat kayo kay Betty Chuwawa at Anna Sey ang notorious fixer-in tandem ng BI.

Palagay ko naman po ay sanay na kayo sa iba’t ibang klase ng tao kaya maaga rin ninyo silang makikilala diyan sa bureau.

Good luck, BI Associate Commissioner Gilberto Repizo.

Hindi naniniwala sa survey pabor kay VP Jojo Binay

HINDI kami naniniwala sa survey dahil ang itinatanong nila ay mahigit isang libo lang, ni anino nilang mga bayaran survey survey ay hindi namin nakikita rito sa Caloocan City. kung mga isang million sana ang tinanong nila baka maniwala pa kami! Hindi naman bobo at tanga mga Pilipino kung iboboto pa c Binay at pwede ba ANTONIO TIU tigilan mo na ang pagsisinungaling mo! Kayong 3 stooges Atty. Bautista, Gob. Remulla at Con Tiangco kailan ninyo lang ba nakikila c BINAY?

Di ba kayo nahihiya sa bayan na sabihin ninyong naospital c Mercado? ‘Yon pala ay hindi totoo sa patunay ng MEDICAL DIRECTOR ng UERM sasabihin ninyong sinungaling c Vice Mercado ‘yon pala kayo ang sinungaling. Mas naniniwala kami kay Vice Mercado, Bondal at iba pang witnesses dahil sila ay taga-Makati at matagal na nilang nakasama c Jojo Binay! BINAY ito lang ang masasabi ko sa INYO ang sinungaling ay kakampi ng magnanakaw.

+63937232 – – – –

Talamak na shabuhan sa Almazora St. Canlalay, Biñan, Laguna

GANDANG umaga po sir Yap gusto k po sana sa inyo idulog ang aking sumbong tungkol po sa laganap na pag dame ng nagtitinda ng shabu dto sa kanto ng riles Almazora St. Canlalay Biñan Laguna. may mga police naman po na pumapasok para mag-patrol kaya lang bago pa makapasok ang mga police nakatago na ang mga tulak ng shabu. D naman po kaya sila din ang nagtimbre na papasok kami magtago muna kayo. maraming salamat po baka lang po matulongan nyo po kami malapit lang po ang bahay namin dto kaya lahat ng galaw nla nakikita ko.

+6392959 – – – –

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *