Friday , April 26 2024

Mahihirap na Pinoy biktima ng korupsiyon

USAPING BAYAN LogoANG mahihirap na tao ang mas nagiging biktima ng korupsiyon sa pamahalaan dahil sila ang mas pinupuntirya ng mga mangingikil sa gobyerno.

Ito ang lumabas sa “The 2013 National Household Survey on Experience with Corruption in the Philippines” na kinumisyon ng Office of the Ombudsman. Napag-alaman sa survey na ito na ang kakulangan sa serbisyo publiko dahil na rin sa talamak na pagnanakaw sa pamahalaan ang dahilan kaya mas madaling hingan ng lagay ng mga walanghiya sa gobyerno ang mahihirap.

Ang survey na ito, na isang rider sa “2013 Annual Poverty Indicators Survey conducted by the Philippine Statistics Authority,” ay nagpapatunay na higit na biktima ng korupsiyon ang mahihirap kaysa mga may kaya sa buhay.

Lumalabas din na ang mahihirap ay mas mag-aalok na maglagay kaysa mga may kaya upang matiyak ang kanilang pakinabang sa serbisyo ng pamahalaan.

Ayon pa sa survey na ito, ang mga pamilyang humihingi ng katarungan mula sa pulisya at mga hukuman ang mas nagiging biktima ng korupsiyon kaysa mga humihingi ng pabor mula sa mga nagpoproseso ng papeles sa pamahalaan katulad ng lisensya, birth certificates, rehistro etc…

O ayan alam na ninyo ha…

* * *

Nagtataka ako kung paano nabibigyan ng awards ang ilan sa mga taong maingay sa ere gayong wala naman silang hatid kundi ingay lalo na sa umaga. Bibihira sa ating mga “brodkaster” ang may makabuluhang laman ang sinasabi. Ilan sa kanila ang tunay na mapanuri.

Karamihan sa mga nananalo ay tagabasa lamang at walang mabuting kaalaman na hatid sa bayan. Mahusay sila sa pagpapalaki ng mga tsisimis at mambuska ng tao subalit salat sa kakayahang magmulat.

* * *

Alam ba ninyo na ang Iglesia Filipina Independiente (na mas kilala rin sa taguring Aglipayano) ay itinatag ng mga manggagawang Pilipino na pinangungunahan ni Don Isabelo de los Reyes Sr., noong Agosto 3, 1902. Ito ‘ata ang kaisa-isang relihiyon sa mundo na itinatag ng masa at hindi ng isang nagpapakilalang propeta, o doktor ng simbahan.

Ang IFI ang buhay na alaala at sakramento ng Himagsikang 1896 na pinamunuan ni Gat Andres Bonifacio.

* * *

Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog ay magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 0498220514 / 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *