Marami sa mga sumusubaybay sa “The Gift Giver,” ang kinaaawaan ang karakter ng gumaganap na tatay sa serye na si Ernest (Eddie Garcia). Matapos kasing mawala sa kanya ang ipinundar nilang bahay ng namayapang asawa na si Laura (Alicia Alonzo) dahil sa malaking pagkakautang sa banko nang magkasakit siya, tumira si Mang Ernest kasama ang bunsong anak na si Macoy (Louise Abuel) sa pamilyadong anak na si Eric (Carlo Aquino) pero hindi rin siya nagtagal sa pagpisan rito dahil ayaw ng kanyang manugang (Nadine Samonte) na dinidisiplina niya ang mga anak nila ni Eric dahil silang mag-asawa lang raw ang may karapatan na gumawa nito. Dahil nagtampo umalis sila ni Macoy sa poder ni Eric at doon na tumuloy sa bahay ng isa pang anak na si Rose (Aiko Melendez) na call center agent, at wala namang problema dahil mag-isa lang na nakatira sa buhay. Pero may nagbabadya na namang problema dahil nakipagbalikan na si Rose kay Anton (Marco Alcaraz) at hindi pabor rito ang ama dahil sinasaktan siya nito. Gulat na gulat ang dalawa nang makita siya hindi kasi ipinagpaalam ni Rose ang pakikipag-ugnayang muli kay Anton. Hindi ito ang gusto ni Mang Ernest, dahil ang ibig niya ay lala-king mag-aalaga sa kanyang anak at hindi ‘yung nanakit na tulad ni Anton. Ipagpapatuloy pa ba ni Rose ang relasyon kay Anton o ang ama ang kanyang pipiliin. Samantala sa ganda ng istorya at dami ng viwers ng The Gift Giver ay consistent ito sa mataas nilang ratings. Mapapanood araw-araw ang serye pagkatapos ng The Singing Bee sa Kapamilya network.
ni Peter Ledesma