Thursday , April 25 2024

Mas wastong isalang sa impeachment si Binay

00 Abot Sipat ArielNAPANSIN ng kaibigan kong editor na kakaunti na lang ang mga banat kay Vice President Jejomar “Jojo” Binay. Hindi na dapat pagtakhan kung paano sila napatahimik. Marahil sa mga pumipitik kay Binay, ako lang ang siniraan sa masamang paraan. Pero kahit kilala ko ang mga nagpakana ng aking pekeng yahoo account, wala silang patol sa akin dahil matagal ko na silang kilala. Pulos wala silang bayag kaya patraydor lumaban at masyadong tsipipay.

Kung tutuusin, madali sanang malalaman ang ‘totoo’ kay Binay kung tinotoo ni Caloocan Rep. Edgar Erice ang plano niyang sampahan ng impeachment complaint ang ikalawang pinakamataas na lider ng bansa. Kinatigan ito maging ni Albay Gov. Joey Salceda. Pero kaagad nagladlad ng banderang puti si Erice nang sabihin ni Speaker Feliciano Belmonte na maraming dapat gawin ang House kaysa ipa-impeach si Binay.

Masyadong halatain si Belmonte na gusto niyang mapuwesto sa Palasyo si Binay. Kahit dahan-dahang nalalaglag sa mga survey, si Binay pa rin ang llamado at siyempre, atat na atat si Belmonte na manatili sa poder ang natsitsismis na kasabwat niya sa “Noy-Bi” sa halalang pampanguluhan noong 2010 na si Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa.

Bakit hindi hayaan ni Belmonte ang proseso ng impeachment kay Binay? Mas malinaw ito kaysa “hinaharang at nabalahong” pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. Makapangyarihan si Belmonte bilang Speaker kaya kayang-kaya niyang imaniobra na hindi ito makalusot sa Kamara kasi “numbers game” lamang ito. O natatakot siya na makalusot ang impeachment laban kay Binay para madala ang reklamo sa Senado?

Mas mainam sana kung mai-impeach si Binay sa mga sinasabing kasalanan noong alkalde pa siya. Kung magiging hukom ang mga senador, mapipilitan siyang maglabas ng mga ebidensiya na hindi kanya ang Hacienda Binay at kung ano-ano pang paratang ng dati niyang tsokaran na si Makati ex-vice mayor Ernesto Mercado.

Hindi naman siguro matutulad si Binay kay dating Supreme Court chief justice Renato Corona na nabuking ang kung ano-anong palusot. Pero ngayon lumilitaw na numero uno siyang sinungaling dahil ayaw humarap sa Senado at ayaw makipagdebate sa mga hinamon niya tulad ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Magbago sana ng isip si Belmonte at payagan ang kapartido niya na si Erice na magsampa ng impeachment complaint laban kay Binay. Sa ganitong paraan lamang lalantad ang lahat ng katotohanan kung hindi nagnakaw si Binay at ang kanyang pamilya sa kaban ng bayan. Kung hindi naman, mapatutunayan niya na hindi siya magnanakaw kung gagawa siya ng affidavit na binibinitiwan niya ang pag-aari sa Hacienda Binay at sa lahat ng ari-arian na sinasabing bahagi ng kanyang mga nakaw na yaman. O ‘di ba?

Ariel Dim. Borlongan

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *