Friday , April 19 2024

Bebot sugatan sa tarak ng kapwa bebot

090814 knifeSUGATAN ng isang babae makaraan saksakin ng basag ng bote ng kainomang kapwa babae nang magtalo dahil sa selos kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Diane Castro, 28, may live-in partner, walang trabaho, ng Pinagsabugan St., Brgy. Longos ng nasabing lungsod.

Habang arestado sa follow-up operation ang suspek na si Mica Reyes, 28, kalugar ng biktima.

Batay sa ulat ni PO2 Benjamin Sy Jr., dakong 3:30 a.m. nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, nag-iinoman ang dalawa nang maungkat ang isyung nilalandi ni Reyes ang kinakasama ni Castro.

Humantong ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa damputin ni Reyes ang bote ng alak, binasag ito at sinaksak sa likod ang biktima.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *