Thursday , April 25 2024

Marian, iginiit na hindi niya hiningi ang napakaraming bridal shower

120814 marianNOONG Biyernes, ginanap ang ikaanim na bridal shower ni Marian Rivera sa Ariato Events Place. Ito’y inihanda at ibinigay sa kanya ng ineendoso niyang Belo Medical Group. Pinangunahan naman ni Cristalle Henares ang pagtitipong iyon na dinaluhan ng mga entertainment media.

“Hindi ko po plinano ‘yan. Ibinibigay po sa akin ‘yan,” panimula ni Marian ukol sa sunod-sunod na bridal showers na ibinibigay sa kanya. Bale ikaanim na bridal shower na ang ginanap na iyon noong Biyrenes na ibinigay sa kanya ni Dra. Vicky Belo.

“Siguro laking pasasalamat ko lang na maraming nagbibigay sa akin ng bridal shower,” anito. “Minsan niloloko na nga ako ng mga kaibigan ko, ‘Ilang bridal shower ba ang gusto mo?’ Correction po, hindi po bride ang namimili kung ilan dahil ibinibigay po sa bride ‘yan.

“So, wala po akong karapatang tumanggi sa mga nagbibigay sa akin,” giit pa ng aktres.

Ibinalita pa ni Marian na bibigyan din siya ng bridal shower ng kanyang Eat Bulaga! family at hindi raw siya nagsasawang puntahan ang lahat ng bridal shower na ibinibigay sa kanya.

“Ang sarap sa pakiramdam kasi, ‘tulad ngayon, kasama ko kayo ngayong press people na nandiyan para sa amin, tumutulong para sa amin. Masaya ako sa bawat bridal shower na pinupuntahan ko, ito talaga ‘yung mga mahal ko sa buhay at malalapit sa akin. Lahat mahalaga at lahat espesyal.”

Muling nabanggit ni Marian na hindi sila tatanggap ni Dingdong Dantes ng mga regalo mula sa 20 pares ng ninong at ninang dahil inilagay na raw nila iyon sa kanilang invitation na sa lahat ng magbibigay sa kanila ng regalo, ibigay na lang sa foundation, ang Yes Pinoy Foundation.

Sa kabilang banda, nasabi ni Marian na handa siyang bigyan ng maraming anak si Dingdong hangga’t kaya rin lang niya. Kaya naman natanong ito kung handa ba siyang magpa-pussykip, isang Belo procedure na ineendoso ni Ai Ai delas Alas.

“Handa naman po akong mapa-pussykip kapag nakarami na ako ng anak. Kaya lang next time ako na ang endorser hahaha. Inagawan ko pa ng endorsement si Ate Ai Ai,” natatawang sagot pa ng aktres.

Jaclyn, gusto si Jake dahil nice raw ito sa kanya

ALAGA na rin pala ni Perry Lansingan, president and CEO ng PPL Entertainment Inc., ang magaling na aktres na si Jaclyn Jose. Bale dagdag siya sa napakaraming alaga ng PPL.

Noong Huwebes, December 4, nagpa-Christmas party ang PPL sa mga editor at special friends na ginanap sa Cities Events Place, Quezon City at doon namin nakausap ang aktres.

Bago mainterbyu, nagpahayag muna ng disgusto (‘di kami sure kung nagbibiro) si Jaclyn ukol sa kasalukuyang boyfriend ng kanyang anak na si Andi Eigenmann na si Bret Jackson. May parlor game kasi noong oras na ‘yun nang magkomento ang aktres, na ‘di niya type si Bret para sa kanyang anak.

At nang makausap na namin si Jaclyn, naihayag nitong gusto niya ang dating boyfriend ng kanyang anak na si Jake Ejercito.

Aniya, mabait at very nice raw sa kanya ang anak nina Manila Mayor Joseph Estrada at Laarni Enriguez kaya gusto niya ito.

Ayaw naman niyang sabihin kung boto siya rito para sa kanyang anak na si Andi. Basta ang igigiit lamang niya’y gusto niya ito.

Maricris Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *