Thursday , April 25 2024

“Give Love on Christmas,” mainit na tinanggap ng TV viewers

Buong-pusong tinanggap ng mga manonood ang regalong Christmas TV special ng ABS-CBN na “Give Love on Christmas.” Ayon sa datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Disyembre 1), wagi ang pilot episode ng unang kwento ng “Give Love on Christmas” na pinamagatang “The Gift Giver” dahil sa nakuha nitong national TV rating na 12.9% o apat na puntos na kalamangan kumpara sa katapat nito sa GMA na “The Ryzza Mae Show” (8.6%).

Samantala, tiyak na mas mapapamahal ang mga manonood sa The Gift Giver ngayong natuklasan na ng mga anak ni Tatay Ernest (Eddie Garcia) na mayroon siyang malubhang sakit. Paano babaguhin ng kalagayan ni Tatay Ernest ang samahan ng kaniyang mga anak na sina Julie (Dimples Romana), Eric (Carlo Aquino), at Rose (Aiko Melendez)? Mahahanap ba ng magkakapatid sa kanilang mga puso na patawarin ang kanilang ama bago maubos ang panahon nito?

Ang “Give Love on Christmas” ay Pamaskong handog ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, Juan dela Cruz, at Ikaw Lamang. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Give Love on Christmas tuwing umaga, bago mag-It’s Showtime sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Give Love on Christmas Day, bisitahin lamang ang official social networking sites ng programa sa Twittter.com/DreamscapePH at Instagram.com/DreamscapePH.

ni Pete Ampoloquio, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *