Thursday , April 18 2024

Bukayo ka na Ret. Gen. Franklin Bucayo

060514 bucayo bucor nbp bilibidANO ba talaga ang trabaho ni retired Gen. Franklin Bucayo bilang director sa Bureau of Corrections (BuCor)?

Sa mga sunod-sunod na kaguluhan at eskandalo ngayon sa National Bilibid Prison (NBP) ni wala tayong naririnig na reaksiyon at aksiyon mula mismo kay ret. Gen. Bucayo o kahit man lang mula sa initiative ng kung sino man sa kanyang tanggapan.

Ang pinakamatindi, tila inaamin ni ret. Gen. Bucayo na ‘helpless’ siya sa tila institutionalized na korupsiyon at terorismo sa loob ng Bilibid na kagagawan ng malalaking drug lord.

Hindi ba naiintindihan ni ret. Gen. Bucayo na madaling imanipula ng drug money ang mga bilanggo d’yan sa Bilibid, dahil unang-una sila pa rin ang inaasahan ng kanilang pamilya kahit nakakulong sila.

Ang ipinagtataka naman natin, bakit pinayagan ni Undersecretary Francisco Baraan III at ni Dir. Bucayo na magtambakan at maipon sa Bilibid ang malalaking Chinese drug lord d’yan?!

Magkano ‘este ano ang dahilan?!

Noong panahon ni ret. Gen. Gaudencio Pangilinan sa BuCor, pinaghiwa-hiwalay niya ang mga bigtime Chinese drug lord sa iba’t ibang penal colony.

At marami ang naniniwala na ‘yan ang dahilan kung bakit trinabahao ng sindikato si ret. Gen. Pangilinan.

Mukhang ‘kinatakutan’ naman ni ret. Gen. Bucayo na banggain ang ‘sindikato’ sa loob ng Bilibid kaya namayagpag ang mga sindikato?

Hindi nagawa ni ret. Gen. Bucayo na itapon sa Iwahig o kaya sa Davao Penal Colony ‘yang mga bigtime Chinese drug lord lalo na ‘yung mga notorious na drug lord.

Aba ‘e kung aminado si ret. Gen. Bucayo na hindi niya kaya ‘yang mga drug lord sa loob ng Bilibid … aba ‘e napakaluwag ng gate ng BuCor para lumayas na siya diyan ‘di ba…

Ano kaya gustong mangyari ni ret. Gen. Bucayo, ipagtrabaho siya ni Pangulong Noynoy at ni Secretary Leila De Lima?!

Aba ‘e kung ganyan lang din ang output ni ret. Gen. Bucayo, mas mabuting mag-RESIGN na siya!!!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *