Friday , April 26 2024

Panaginip Mo, Interpret Ko: Eroplano nag- landing sa tulay

00 PanaginipHello po,

Anu po ibig sabihin ng panaginip ko po na patay po ako at nasa loob po ako ng kabaong? Tapos po sumakay po daw po ako ng eroplano nung pababa na po ung cnakyan ko sa kawayan daw po na tulay nagland ung eroplano. Quel po ito ng PAMPANGA (09069669712)

 

To Quel,

Ang panaginip ukol sa sariling kamatayan ay nagsasabi ng mahalagang pagbabago sa iyong buhay. Maaaring ikaw ay naliliwanagan o mas nagiging spiritwal. Posibleng nagpapakita rin ito na ikaw ay nagpipilit na makawala sa mga hinahanap at mga pangangailangan ng pang-araw-araw na pamumuhay mo. May mga pinagsisisihan kang bagay at isang paraan para makayanan o malagpasan ito ay ang self punishment na maaaring hindi mo namamalayan na ginagawa mo sa iyong sarili. Dahil sa nararamdamang guilt at kahihiyan sa mga nagawang hindi na maibabalik pa o maaayos pa, kaya mo ito nagagawa. Kailangang mag-move-on ka na, magsimula ulit, iwanan na ang mapapait na alaala ng nakalipas at harapin ang isang masigla at bagong umaga na may pag-asa tungo sa pagbabagong inaasam. Iwaksi ang mga negatibong bagay at laging mag-isip ng positibo para makapagdesisyon ng maayos sa araw-araw.

Ang kabaong naman ay sumisimbolo ng womb, ito ay posibleng sagisag din ng iyong pananaw at takot hinggil sa kamatayan. Alternatively, ito ay maaari rin namang nagre-represent ng ideas at habits na hindi mo na kailangan o dapat ng alisin o iwaksi. Isa pang paalala sa ganitong uri ng panaginip ay ang posibilidad ng pagdating ng period of depression. Maaaring makadama na ikaw ay confined, restricted at may kakulangan ukol sa personal na kalayaan.

(Itutuloy)

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Una, magandang …

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *