Wednesday , October 18 2017
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Lovers in the palace

Lovers in the palace

112414 lovers malacanangDINAIG pa raw ang KATH-NIEL at JA-DINE love team ng pinag-uusapang mainit pa sa bagong-hangong siopao na ‘lovers in the palace’ d’yan sa Ilog Pasig, San Miguel, Maynila.

Kung kalanggam-langgam umano ang KATH-NIEL at JA-DINE love team, ang lovers in the palace ay tila caramel na kahantik-hantik naman dahil sa sobrang tamis (so sweet) ng kanilang pagsasama na tila na-develop na raw ang pagtitinginan sa isa’t isa.

Ayon sa ating unimpeachable source, madalas daw sumimpleng mag-lunch out ang dalawa sa Casa Roces restaurant.

At habang tumatawid mula sa Palasyo ‘e tila laging nagkakapaan ang kanilang magkadaupang na mga palad — tipong sweet na sweet na holding hands.

‘Yung extra sweet talaga (inggit much hehehe) …

‘Yun lang, paglingon nila sa likod …napansin nilang may katoto tayo na ‘nakakita’ sa kanila.

Sabay kalas agad ng kapwa nangangapang mga palad.

Ang sabi ng source natin, sa ilang taon nilang pagsasasama sa trabaho ‘e mukhang nagka-develop-an raw ang dalawa. Mahahalata mo na nga raw sa kanilang mga kilos at tinginan sa isa’t isa.

Ewan ko lang kung napapansin ni NPC prexy Joel Egco at Usec. Rey Marfil ang sweetness ng dalawang opisyal ng palasyo!?

Ganyan daw talaga sa isang ‘work place’ lalo na’t ‘stressful’ at nasa iisang departamento ang kanilang mga trabaho.

Hindi raw sumasagot kapag tine-text ng mga reporter at laging ‘cannot be reached’ kapag tinatawagan?

Alam kaya ni PNoy ang ‘nagaganap’ na ‘yan sa mala-telenobelang lovers in the palace?!

Baka naman ma-insecure ang Pangulo n’yan sa inyo…

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top