Thursday , April 25 2024

Mojack, nakibahagi sa Handumanan Free concert

 

112114 Ms Jackie mojack

00 Alam mo na NonieISA si Mojack sa nakibahagi sa ginanap na free concert na Handumanan: Pasasalamat sa mga Bayani ng Haiyan sa Quezon City Memorial Circle noong November 7. Ayon sa singer/comedian, masaya siyang makatulong at maging bahagi ng ganitong event.

“Nag-host po ako rito Kuya with the DJ’s of radio stations like Papi Charlz ng MOR 101.9, at Papa Dan, Papa Dudut, Papa Baldo & Mama Belle of Brgy LSFM 97.1 Tugstugan na. Ako naman po, bilang representative ng Brigada News FM 104.7. It’s a free concert po for Yolanda victims, directed by Papa Carlo Maceda.

“Napakasaya ko kuya, as in super dahil alam mo naman po ako, pagdating sa pagtulong para sa kababayan natin na nangangailangan, support po ako riyan. Sa sobrang saya ko, hindi ko naramdaman ang pagod at stress. Pagdating po sa mga nasalanta ng bagyo o anumang sakuna, ‘di man ako makaabot ng kahit anong halaga, basta kailangan ng serbisyo ko ay susuporta ako talaga.

“Kahit libre ay okay lang, dahil ‘ika nga po, ‘Share your blessings and share your talent.’ Kasi, gift po iyan ni God na ipinagkaloob lang sa atin,” saad ni Mojack.

Maraming shows sa Japan si Mojack. Katunayan, ilan dito ay makakasama niya si Andrew E. Ang iba niyang shows sa Japan ay sa Pamilya Restaurant Kawasaki Comedy Bar sa November 21, 22, 29 & 30. Sa November 24 naman sa Osaka, at November 29, sa Yokosuka Base sa Japan.

Labis na pinasasalamatan ni Mojack ang masipag na manager niyang si Ms. Jackie Dayoha sa kabaitan nito at walang sawang pagtulong sa kanya.

 

 

ni Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *