Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / LTO inaalmahan ng mga motorista sa mahigit 1-m car plates backlog!

LTO inaalmahan ng mga motorista sa mahigit 1-m car plates backlog!

00 Bulabugin jerry yap jsyMAHIGIT isang milyon na ang car plate backlog ng Land Transportation Office (LTO).

‘Yan ay sa taon 2013 lang.

Mula Enero hanggang Agosto 2014 ay lumakad pa ang bilang ng mga sasakyan na hindi naisyuhan ng plaka ng LTO.

Kaya naman hindi na tayo nagtataka kung bakit umaalma na ang car owners laban sa tila asal-ayaw-nang-resolbahin ng LTO ang kanilang backlog sa car owners.

At kahit tayo mismo ay hindi natin maintindihan kung bakit tila walang interes ang LTO na resolbahin ang problemang ito.

Ano ba talaga ang rason kung bakit walang maibigay na plaka ang LTO sa mga bagong sasakyan?

Mantakin ninyong nag-renew at nagbayad na ng registration pero wala pa rin plaka at walang sticker?!

Sino ang maniniwalang sapat ang kanilang plaka kung wala silang maiisyu sa mga nagpaparehistro?!

Lalo na doon sa mga nauna.

Simula nitong Agosto, nag-isyu ng plaka ang LTO, ‘yung may tatlong letra at apat na numero.

Pero nagtataka ang militanteng organisasyon ng mga driver at operator na Pinagkaisang Samahan ng mga tsuper at Operators Nationwide (PISTON).

Anila, paano naipatupad ang plate standardization program kung napakalaki ng backlog sa mga plaka?

What the fact!?

Hindi nakatutulong sa pagpapatupad ng peace and order sa bansa ang nangyayaring ito sa LTO.

Karamihan ng krimen ngayon ay kinasasangkutan ng mga sasakyan – riding-in-tandem, holdaper na nakakotse, rapists-in-van, hit and run …

READ MORE:  Pangulong Noynoy ‘di nagkamali sa pagtatalaga kay Sevilla

Malamang nagpipiyesta ‘yang mga sindikato ng kriminal sa palpak na sistema ngayon ng LTO.

Mukhang natiyope na rin si LTO chief, Atty. ALPUNSO ‘este ALFONSO TAN Jr., at ni hindi kayang humarap sa publiko para ipaliwanag kung ano ba talaga ang puno’t dulo kuhg bakit biglang naging plateless administration ang gobyerno ni Pangulong Noynoy.

Department of Transportation and Communication (DoTC) Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya, wala ka bang planong resolbahin ang problema ng LTO?!

O naghihintay pa kayo ng biding-bidingan!?

Aba ‘e mukhang palamig-lamig lang kayo d’yan sa mga opisina ninyo … magtrabaho kayo!

Naka-boy scout knots pala ang ‘links’ ng Aquinos at Binays?!

MUKHANg singtibay talaga ng Boy Scout Knots ang ‘links’ ng mga Aquino at Binay …

Hindi mapatid-patid.

Mahigpit na kasi ang utos ni Pangulong Noynoy, huwag ‘tingiin’ ang imbestigasyon ng Senado kay Vice President Jejomar Binay. Ilabas at ibuhos ana ang lahat ng ebidensiya kung mayroon para umano matapos na ang imbestigasyon ng Senado.

Aba’y hindi niya ginawa ang ‘pag-awat’ na gaya nito sa kaso ni impeached Chief Justice Renato Corona.

Sinabi rin ni PNoy sa pamamagitan ng kanyang spooksperson ‘este spokesperson na wala si-yang pinapaboran kundi ipinaabot lang niya sa Senado ang kahilingan ni VP Binay.

Bwelta naman ni Sen. Koko Pimentel, huwag makialam ang palasyo sa ginagawa nilang imbes-tigasyon.

READ MORE:  Korupsiyon sa LTO

Indeed, Noynoy is still a ‘good son’ for a fami-ly friend. Kumbaga, hindi kayang tawaran ang pinagsamahan nina Tita Cory at VP Binay noong panahon na pinaslang si dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.

At ‘yan ang napatunayan natin sa insidenteng ito — walang politika sa pagitan ng pamilya Aquino at Binay — nananatili silang magkakaibigan.

Kung ganyan ‘katibay’ ang knots ng dalawang pamilya, palagay natin ‘e, mas iibigin ng mga nasa Malacañang ngayon na ang maging sunod na Pa-ngulo ay may letrang B kaysa letrang E na parehong may slogan na para umano sa mahirap.

Ano sa palagay ninyo mga suki?!

Maraming Salamat NBI (Sa insipirasyon na ibinigay sa media)

Isa po tayo sa natutuwa nang kilalanin at parangalan ng pamunuan ni NBI Director Virgilio Mendez ang mga mamamahayag na walang sawa sa paghahatid sa madla ng accomplishments ng tinaguriang premier investigation body ng bansa.

Muli, Mabuhay po NBI!

 Tatlong salot na kolek-tong sa Divisoria!

Nag-iiyakan na ang mga maralitang vendor (na sinasabi ni Erap na mahal n’ya) dahil sa ‘talas at talim’ ng isang berdugong sibilyan na one to sawa na kumokolektong sa kanila ng tara y tangga.

Sa sandamakmak na reklamo na nakarating sa atin, isang alyas FIDEL ang utak ng kolektong sa kanila.

Pinipilipit ng tarantadong FIDEL ang mga pobreng vendor sa dami at taas ng ‘tara’ na kinokolektong sa kanila. Ewan ko lang kung alam ng isang Tinyente IBARRA na ginagasgas ni Fidel ang kanyang pangalan sa pangongolektong!?

READ MORE:  Mga pulis na kolektor ng payola ipinasasakote ni Director Valmoria

Tinyente Ibarra, kung wala ka talagang alam sa kagaguhan nitong si Fidel aba’y hulihin at kasuhan mo ang damuho!

Ang tandem naman ni Fidel sa pangongolektong sa Divisoria ay isang alyas NAP na kaladkad ang pangalan nina Jimmy Soriano at isang alias LECHE ng City hall!

Yorme Erap, akala ko ba sabi ni VM Isko sa mga TV/radio interview n’ya ay wala ng kotong sa Maynila!?

Drawing lang pala?!

Pergalan sa Cavite Tarlac, Zambales at La Union

SA Plaza sa bayan ng Magallanes at sa bayan ng Ternate, Cavite nakalatag ang pergalan ng isang alyas ATIENZA.

Sa Brgy. Poblacion sa Bamban, Tarlac si alyas DANTE ang pakador de pergalan. Sa palengke ng Concepcion sa Tarlac si alyas GORDON ang poste. Sa Plaza sa  Castillejos, Zambales at sa Plaza ng Iba, Zambales, kopong-kopo ni alyas OBET PILANTOD ang lahat ng uri ng color games. Sa Brgy. Paringao, Bauan, La Union, hawak na raw ni alyas PHILIP.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved