Wednesday , April 24 2024

Cayetano, Trillanes may death threats

111414 cayetano trillanesISINIWALAT ng ilang senador na nag-iimbestiga kay Vice President Jejomar Binay, ang mga banta sa kanilang buhay habang patuloy ang imbestigasyon ng Senado laban sa mga isyu ng korupsyon na kinasasangkutan ng bise presidente.

Ayon sa tanggapan ni Sen. Alan Peter Cayetano, isang tawag ang natanggap ng staff ng senador dakong 5 p.m. kamakalawa mula sa hindi nagpakilalang caller at nagbantang isang bala lang ang senador kung hindi tatahimik.

“Pakisabi kay Senator Alan, isang bala lang siya ‘pag ‘di sya nanahimik,” ayon daw sa tumawag sa telepono.

Agad ipinagbigay-alam ng tanggapan ng senador sa Senate Sgt at Arms at sa pulisya ang pangyayari.

Tumanggi muna si Cayetano na sabihin kung sino ang pinaghihinalaan niyang nasa likod ng mga banta sa kanyang buhay.

Una na ring sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV na dalawang bagay lamang ang posibleng mangyari sa kanya sakaling manalo bilang Pangulo ng bansa si Vice President Binay.

Kung hindi raw siya ipakukulong ay ipapapatay siya ng bise presidente sa tindi ng kanyang mga pagsisikap na imbestigahan ang mga katiwalian ni Binay.

“Baka ipakulong ako, ipapatay po ako nito,” ani Trillanes.

Gayonman, hindi raw matitinag ang mga senador sa kanilang imbestigasyon, katunayan ayon kay Trillanes, sa dami ng mga isyu na kinasasangkutan ng bise presidente ay maaaring aabutin pa ang hanggang sa Mayo ng susunod na taon ang kanilang imbestigasyon.

Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng …

Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) …

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa …

Paco Catholic School Fire Sunog

Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES

INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *