Saturday , April 20 2024

Senado ‘wag pakialaman (Koko kay PNoy)

111314 pnoy kokoSINOPLA ni Senate blue ribbon sub-committee chairman Koko Pimentel si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa hiling na tapusin na o huwag gawing tingi-tingi ang imbestigasyon sa sinasabing mga katiwaliang kinasasangkutan ni Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Pimentel, hindi dapat pakialaman ng Pangulo ang legislative investigation lalo na ng Senate blue ribbon committee.

Paliwanag ng senador, mapanganib para sa hinaharap kung pagbibigyan nila ang hiling ng Pangulo Aquino.

Paano aniya kung dumating ang pagkakataon na mayroon ding cabinet secretary na iniimbestigahan ang Senado, makikialam din ba ang Pangulo kung ano dapat gawin ng Senado at atasan na bilisan o tapusin ang imbestigasyon?

Binigyang diin ni Pimentel na co-equal ang lehislatibo at ehekutibo at hindi pwedeng magdiktahan sa isat-isa.

Dagdag pa ni Pimentel, nag-iimbestiga rin ang Department of Justice (DoJ) kay Binay, at ito aniya ang pwedeng diktahan mg Pangulo na bilisan ang proseso dahil nasa ilalim ng executive department ang ahensya.

Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *