DUDA ang Department of Justice (DoJ) na kakayanin bago ang 2016 na makapaglabas ng desisyon ang korte sa kaso ng Maguindanao massacre.
Magugunitang unang sinabi ng DoJ na target ang conviction sa kaso bago ang pagbaba sa pwesto ni Pangulong Benigno Aquino III.
Kahit aniya sa mga pangunahing akusado o sa mga miyembro ng Ampatuan clan ay mahihirapan silang makatiyak ng hatol kahit anong pagpupursige ang kanilang gawin.
Paliwanag ni De Lima, nasa hukuman na ang kaso kaya limitado na ang kanilang magagawa at mahirap para sa kanilang panig na ipangako ang bagay na hindi nila kontrolado.
Magugunitang itinigil na ng prosekusyon ang paglalahad ng testigo at ebidensiya noong Agosto na nag-ugat sa bangayan ng public at ilang private prosecutors.
Ang kaso ng pagkakapatay sa 58 katao, kasama ang 32 miyembro ng media, ay gugunitain sa Nobyembre 23 para sa ika-limang taon makaraan ang malagim na Maguindanao massacre sa Sitio Masalay, Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao.