Thursday , April 18 2024

Jimmy at Kring, kauna-unahang Grand Couple ng I Do

111114 I DO Jimmy Kring

ANG Korean-Pinay couple na sina Jimmy Kim at Kring Elenzano ang napusuang bigyan ng happy ending ng sambayan matapos silang tanghaling kauna-unahang Grand Couple ng Kapamilya realiseryeng I Do sa Final Ceremony ng programa noong Sabado, Nov 8.

Natanggap ng apat na taong magkasintahan ang 56.8% ng kabuuang boto mula sa publiko laban sa katunggaling Power Couple na sina Chad Fontanilla and Sheela Beterbo.

“Lagi po tayong maniwala sa true love, because true love waits. At lagi po nating ipagdarasal ang ating future husband or wife. Huwag pong kalimutan na napakahalaga ang pamilya sa relasyon ng bawat isa,” pahayag ni Kring.

“No boyfriend since birth” si Kring hanggang makilala niya si Jimmy sa isang K-pop event noong siya ay 25 na. Sa realiserye, naituro rin sa kanila ang kahalagahan ng pamilya sa isang relasyon. Ipinahayag ng dalawa kung paano nabago ng I Do ang kanilang buhay lalo pa’t sa pamamagitan nito’y nagkaayos si Jimmy at ang kanyang nanay na hindi niya nakita at nakausap sa loob ng higit sa isang dekada.

“Gusto naming ibahagi ang love story namin sa buong mundo. Napakasaya ko na invited ang lahat ng viewers sa kasal namin. I believe that if I didn’t meet Kring, nothing would have happened. Because of Kring, everything happened,” saad naman ni Jimmy na una nang nagpahayag na ang gusto niyang iregalo kay Kring ay mapanood ang kanilang kasal sa national TV.

Mapapanood ang kanilang Grand Wedding sa ABS-CBN sa Sabado Nov. 15.

Bilang Grand Couple, wagi rin sina Jimmy at Kring ng P1-M, house and lot, isang honeymoon package, negosyo package na nagkakahalaga ng P1.5-M, at home appliances.

Samantala, makatatanggap naman ng P500,000 bilang runner-up couple sina Chad at Sheela.

Talaga namang inabangan ng sambayanan kung sino ang tatanghaling Grand Couple dahil pumasok ang official hashtag na #IDoFinalCeremony, pati na sina Jimmy at Kring at Chad at Sheela sa listahan ng trending topics ng Twitter sa buong mundo.

Nagsilbi ring reunion ang Final Ceremony ng host na si Judy Ann Santos-Agoncillo, Rica Peralejo-Bonifacio, at ang nagbabalik-Kapamilyang si Jolina Magdangal-Escueta na binuksan ang programa sa isang production number. Inawit din ni Juris ang theme song ng realiserye na Baby, I Do.

Noong Linggo naman inanunsiyo ni Juday na magkakaroon ng Season 2 ang I Do matapos itong makatanggap ng maraming positive reviews. Ang I Do ay isang orihinal na konsepto ng ABS-CBN tampok ang mga magkasintahan na gusto nang magpakasal na haharap sa challenges na hahamon sa tibay ng kanilang pagsasama at pagmamahalan.

Huwag palampasin ang Grand Wedding nina Jimmy at Kring sa Sabado (Nov. 15) pagkatapos ng The Voice of the Philippines sa ABS-CBN. Para sa updates, bisitahin ang ido.abs-cbn.com , i-like ang www.facebook.com/ido.ph o sundan ang @IDo_ph sa Twitter.

 

About hataw tabloid

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *