Thursday , April 18 2024

ERC Chief kakasuhan sa Ombudsman

111114 zenaida ducutSASAMPAHAN ng kaso ng Bayan Muna si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Zenaida Ducut dahil sa pagkabigong isumite ang report kaugnay ng sinasabing sabwatan ng generation companies sa taas-singil sa koryente noong 2013.

Sinabi ni Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares, sasampahan nila ng kaso si Ducut sa Ombudsman ngayong araw.

“Dina-draft na ‘yung complaint at ipa-file hopefully bukas o the next day ‘yung unang complaint against Chairperson Ducut,” sabi ni Colmenares sabay wikang solong kakasuhan ang ERC chair.

“Tapos titingnan namin ‘yung other ERC members, baka next week (kasuhan). Magkaiba kasi ‘yung responsibilidad nila e… ‘Yung chairperson may administrative control siya,” paliwanag ng kongresista.

Binanggit din ni Colmenares na ilang beses nang ipinangako ng ERC ang paglalabas ng resulta ng imbestigasyon sa sinasabing collusion o sabwatan.

Binigyan na rin aniya nila ang opisyal ng hanggang Nobyembre 7 na palugit ngunit wala pa rin inilabas ang komisyon.

Matatandaan, pumalo sa P4.15 per kilowatt hour ang dagdag-singil na inaprobahan ng ERC para sa Manila Electric Company noong Disyembre 2013 ngunit pinigil ito ng Korte Suprema.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *