Wednesday , April 24 2024

Daniel, nahiyang sa US kaya tumaba

 

ni Dominic Rea

082314 daniel padilla

NAG-ENJOY si Daniel Padilla sa halos isang buwan niyang pamamalagi abroad. Umalis siya noong October 9 papuntang Amerika para sa ASAP Live sa LA at tinuhog ang apat na shows and appearances sa Canada at bumalik ng ‘Pinas nitong November 6.

Marami ang nakapansin sa biglaang pagtaba ni Daniel at bumagay pa ngang lalo ang paglaki ng kanyang pisngi at katawan.

Ayon kay Daniel, iba raw talaga ang pagkain doon at sistema ng buhay kompara rito sa atin. Nag-enjoy talaga si Daniel dahil nabisita niya ang naglalakihan at kilalang tourist spots sa Amerika at Canada.

Isang prebilehiyo ito para kay Daniel na hindi niya sukat akalaing mapupuntahan niya sa kanyang murang edad. Kaagad naman balik trabaho ang sikat na Teen King pagdating ng ‘Pinas.

“Back to normal lang. Ganoon lang naman. Trabaho. Tapos kapag may time magpahinga ay pahinga, rito lang din naman sa bahay ang pahingahan ko, billiards, basketball, ganoon lang Tito Dom, alam mo naman yan eh,” bungisngis pa nitong tsika sa akin nang bisitahin ko kamakailan.

Guys, ngayong November 15 po ay nandiyan po kami sa Island Cove, Cavite para naman sa isang show ni Daniel. Kitakits tayo guys ha!

Samantala, tinanggap din nina Daniel at Karla Estrada sa Quezon Memorial Circle ang parangal at rekognasyon bilang mga natatanging bayani or unsung heroes of Yolanda sa pamumuno ni Carlo Maceda sa imbitasyon ni Mell Navarro dahil sa ipinakitang pagtulong ng mag-ina sa kanilang kababayan sa Tacloban noong nakaraang taon.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *