Friday , April 19 2024

Dalawahang pamantayan ng hustisya

00 firing line robert roqueDALAWA pala ang pamantayan ng hustisya para kay Senator Alan Peter Cayetano at lumalabas na ang ikinikilos niya sa mga tinatalakay na reklamo sa Senado ay para sa sariling kapakinabangan, at hindi sa bayan.

Sa imbestigasyon ng Senate Committee of the Whole sa eskandalo kaugnay ng C-5 road noong 2010, ayaw humarap ni Senator Manny Villar, kandidato para pangulo ng Nacionalista Party (NP).

Ang paksa ng pagsisiyasat ay mga kalsadang ipinagawa ni Villar patungo sa mga subdivision ng Camella Homes na siya rin ang may-ari.

Ang pag-iwas ni Villar ay ipinagtanggol ng kanyang kaalyado at kapartido sa NP na si Cayetano, na nagsabing na-prejudge na raw ng mga kapwa senador ang manok ng NP sa pagkapangulo.

Malinaw na ipinunto ni Cayetano na hindi raw duwag ang isang tao kung namimili man ng venue. “Mayron tayong korte, may civil courts,” kung saan puwede umanong harapin ni Villar ang alegasyon laban sa kanya.

Bukod diyan ay pinangalanan noon ni Cayetano ang Liberal Party (LP) at ang standard-bearer nitong si Senator Noynoy Aquino na nasa likod umano ng paninira kay Villar.

Sa harap ng mga mamamahayag ay ibinunton niya ang sisi sa mga “Trapo, Oportunista at Kamag-Anak Inc., na pumapaligid kay Noynoy Aquino” na tinatawag daw na “TOPAK ni Noynoy.” Ang Kamag-Anak Inc. na tinukoy rito ay ang mga pamilya ng Aquino at Cojuangco.

Binanggit din ni Cayetano noon si Budget Secretary Butch Abad na kasama raw sa TOPAK ni Noynoy at nasa likod ng tsismis na si Villar ay lihim na kandidato ng noon ay President Gloria Macapagal-Arroyo. Itinututuring na “kiss of death” para sa sino man ang maugnay kay Arroyo.

Natigil lang si Cayetano nang manalo at maging pangulo si Aquino, pero nakalimutan na kaya ni PNoy ang lahat nang ito? Matitigil din kaya si Cayetano sa pagbanat at pagwasak sa pagkatao ni Binay kapag nanalong pangulo sa 2016?

***

Ano ang pagkakaiba ng pag-iwas noon ni Villar sa Senado, sa hindi pagdalo ni Vice President Jejomar Binay sa pagdinig sa mga isyu ng iregularidad na kinasangkutan? Si Binay ay na-prejudge ring guilty nina Cayetano at Senator Antonio Trillanes kahit hindi tapos ang pagsisiyasat.

Naniniwala si Senator Miriam Defensor-Santiago na nagampanan na ng Senado ang tungkulin nito at sapat na ang nakalap na ebidensya. Nababatikos na raw ang mga senador sa inaasal nila sa pagsisiyasat.

Para kay Santiago na isang dating regional trial court judge, may “probable cause” umano para itigil ang imbestigasyon at isampa na ito sa Ombudsman. Pero sa tingin ni Cayetano ay nangangalahati pa lang sila sa imbestigasyon at marami pang ebidensyang isisiwalat.

Noon ay dinedepensahan ni Cayetano ang kakamping si Villar at binibigyang katwiran ang pag-iwas sa Senado. Pero kapag itinuturing niyang kalaban sa politika sa darating na halalan ang sangkot na tulad ni Binay, mapupunang nag-iiba pala ang pananaw ni Cayetano sa hustisya.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View

Robert Roque Jr.

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *