Friday , March 29 2024

Weeklong holiday sa APEC 2015 sa PH?

111014 APECBEIJING, China – Ipinaaaral pa ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagdedeklara ng isang linggong holiday sa Filipinas partikular sa Metro Manila kapag nag-host ang bansa ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit sa November 2015.

Ang Beijing na host ng APEC meeting ngayong taon ay nagpatupad ng holiday sa mga paaralan, governmemt offices at ilang pagawaan habang kalahati ng mga sasakyan sa syudad ay bawal sa lansangan.

Hinikayat din ang mga mamamayang magbakasyon sa pamamagitan ng travel package discounts.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa panayam sa Beijing, nais ni Pangulong Aquino na magsagawa nang malawakang pag-aaral sa panukalang ito sa ilang stakeholders.

Ayon kay Valte, naghahanap din sila ng ibang paraan para maresolba ang traffic congestion sa bansa.

Si Valte ay kasama ng isang team ng gobyerno bilang observers sa APEC Summit sa Beijing.

About hataw tabloid

Check Also

Las Piñas Mass Wedding Kasalang Bayan

Sa ika-27 anibersaryo ng Las Piñas
102 COUPLES SABAY-SABAY NA IKINASAL

SA PAGDIRIWANG ng Buwan ng Kababaihan at ika-27 anibersaryo ng pagkakatatag bilang lungsod ang Las …

Buhain Richard Bachmann

Buhain, umayuda sa HB Bills para sa PH Sports

Pinangunahan ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang pagtalakay at pagsuri sa mga isinusulong …

Acuzar mapang-asar KALBARYO NG MARALITA ITINANGHAL SA NHA, DHSUG, PANAGHOY IWINASIWAS NG GRUPONG URBAN POOR

Acuzar mapang-asar  
KALBARYO NG MARALITA ITINANGHAL SA NHA, DHSUG, PANAGHOY IWINASIWAS NG GRUPONG URBAN POOR

MAHIGIT 300 informal settler families (ISFs) at civil society organizations (CSOs) ang nagtanghal ng Kalbaryo …

PNVF Volleyball

Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship 2024

MAGSISIMULA ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship 2024 ngayong linggo simula sa Biyernes …

Chasing Tuna in the Ocean

MTRCB ipinagbawal pagpapalabas ng Chasing Tuna in the Ocean 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang desisyong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *