Tuesday , April 23 2024

Paolo, mapapansin na ni Ellen DeGeneres dahil sa panggagaya

ni Alex Brosas

110814 paolo ballesteros ellen de generes

Si Ellen DeGeneres ang latest na ginaya ni Paolo Ballesteros sa kanyang make-up transformation.

Gayang-gaya ni Paolo ang hitsura ni Ellen, ha, complete with her blue eyes. Ipinost niya ito sa kanyang Instagram account at ang daming nag-like.

Actually, marami palang nag-suggest kay Paolo na ‘wag tanggapin ang Skype interview ng TMZ dahil hindi siya masyadong mabibigyan ng atensiyon. Mas maganda raw na hintayin na lang niyang mapansin ang kanyang make-up skills ni Ellen DeGeneres.

Naisip siguro ni Paolo na oo nga, mas maraming viewers si Ellen kaysa TMZ kaya naman he did the right thing—ang gayahin ang hitsura nito.

Ngayong nakopya na niya ang mukha ni Ellen ay nakasisiguro na si Paolo na mapapansin na siya ng TV host. Who knows, baka maging dream come true ang kanyang wish na maging guest sa programa ni Ellen.

Worldwide hit ang make-up transformation ni Paolo kina Beyonce, Rihanna, Miley Cyrus, Angelina Jolie, Tyra Banks.

Ayan, sana mapansin na si Paolo ni Ellen.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Blind Item, Men

Male starlet ‘sumisingaw’ na videos kasama ng mga customer na bading

ni Ed de Leon MAGANDA ang sideline ng isang male starlet. Tambay lang siya sa isang watering …

Kristine Hermosa Jericho Rosales

Kristine ‘di feel makatrabaho si Jericho

HATAWANni Ed de Leon BAKIT parang bantulot si Kristine Hermosa nang sabihin sa kanyang gusto siyang makasamang …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel bumaba ang TF nang mahiwalay kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NATATAWA kami noong isang araw sa isang blog, na nagsasabi kung …

Vilma Santos

Ate Vi karapat-dapat tanghaling National Artist

HATAWANni Ed de Leon HINDI naghahabol si VIlma Santos na matawag siyang National Artist. Katunayan,  sa tuwing sasabihin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *