Friday , March 29 2024

Top Emperor Int’l KTV Club paboritong tambayan ng mga korean & chinese mafia dahil sa pokpokan at illegal transactions?!

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI natin maintindihan kung bakit matapos salakayin at ipasara ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Top Emperor International KTV Bar d’yan sa Remedios Circle, Malate, Maynila ay muli na naman itong namamayagpag ngayon.

And take note … mas pinahigpit na ang ‘seguridad’ laban sa mga ‘mananalakay.’

Kung inyo pang natatandaan, mga suki, ilang linggo lamang ang nakarararaan, naging malaking balita ang isinagawang raid ng NBI sa VIP gentlemen’s club ng Top Emperor International KTV Club d’yan nga sa Remedios Circle na nasa area of responsibility ng Manila Police District (MPD) Ps 9.

‘Yang Emperor International Club umano ay matunog na matunog na paboritong puntahan ng mga Korean at Chinese nationals na mayroong mga baluktot o ilegal na transaksiyon sa bansa.

Bukod umano sa mga batang-batang bebot na mayroong mga Pinay at mayroon din Chinese nationals ‘e malaya rin nilang nagagawa ang kanilang mga transaksiyon sa nasabing KTV Club.

Nang salakayin nga ng NBI ‘yan, inakala nating ‘sarado’ na rin. Pero maling-mali pala ang ating akala … bukas na bukas na naman ang Emperor International KTV Club at tuloy na tuloy ang iba’t ibang klase ng ilegal na transaksiyon …

Sabi ng ilang impormante, matindi umano ang sex and drug trade na nagaganap sa loob mismo ng club?!

Sonabagan!!!

Paano nangyayari ‘yan?!

Ang mga pumapasok umano na Korean and Chinese nationals sa nasabing Club ay fully escorted at very close ang pagbabantay.

Iba na ang kanilang dinaraanan papasok sa nasabing Club. Exclusively, doon sila pinapapasok sa kaliwang kwarto sa second floor ng nasabing club.

Sa daanang ‘yan ay mahigpit din ipinagbabawal ang pagpasok ng mga Pinoy na parokyano.

Bukod sa mahigpit na seguridad at hiwalay na daanan sandamakmak na rin ang mga CCTV camera sa perimeter ng nasabing KTV club.

Full force na rin umano ang mga jaguar sa front entrance at ang malalaking armed bouncer ay tila composite team pagpasok sa “security-locked” na pinto.

Kapag sinuwerteng makapasok sa front entrance, tuloy ang pag-i-escort ng mga bouncer hanggang second floor na kinaroroonan ng reception desk.

Dalawang floor manager umano ang makikita sa second floor, isang babae para sa mga Pinoy at isang lalaki na kilala sa alyas na Bhim para umano sa mga parokyanong VIP na Chinese and Koreans.

Ganyan umano ka-organisado ang operation ngayon ng Emperor International KTV Club.

Ang tanong natin, bakit?!

Bakit ganyan kalakas ang loob ng management ng Emperor International KTV Club para maglagay ng ganyan karaming security force?!

Tsk tsk tsk …

Mukhang kayang-kayang palusutan ng Emperor International KTV Club ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at ang Criminal Investigation and Detection Group-Women And Children’s Complaint Unit (CIDG-WACCU)?!

Ano ba talaga ang mabigat sa Emperor?!

Ang PROTEKTOR o ang HATAG?!

Pakisagot na nga po!

 Congressman feeling ‘nabastos’ ng IO sa NAIA (BI “I Don’t Care” scheme)

ISANG kongresista sa lalawigan ng Cavite ang nag-iisip ngayon kung kanyang sasampahan ng reklamo ang isang Immigration Officer (IO) na umano’y ‘bumastos’ sa kaniya kamakailan.

Ang low profile Congressman ay patungong Shanghai China upang dumalo sa pakikipagpulong sa kanilang Chinese counterparts nang maganap ang ‘BI I Don’t Care Scheme’ incident.

Palibhasa ay simpleng tao at walang garbo sa katawan si Cavite Congressman, wala rin mga liaison officer o alalay na kasama ang mambabatas habang nakapila sa NAIA T-1 Departure Area.

He is set to board a China Southern Airlines flight CZ 376.

Isang IO PASCUA umano ang nasa IMMIGRATION counter at napunang medyo lumampas sa yellow line si Congressman kung kaya’t sinabihan siya na: “Umatras ka nga!”

Take note: Exclamation point ‘yun dahil mataas ang boses at parang galit.

Umatras naman si Congressman na yuko ang ulo. Nasaksihan daw ang eksena ng ilang pasaherong nakasabay sa pila ng kinatawan ng mga Caviteño.

Pero after na tumalima ng kongresista ay sinabihan pa umano ni IO Pascua ng: “Bingi ka yata!?”

Sa pagkakataong iyon medyo nairita na si Cong. dahil sumunod na nga raw siya sa gusto ng IO at nag-sorry pa tapos sasabihan pa siyang: “Bingi!”

Kung anoman ang maging desisyon ni Congressman sa hindi magandang trato sa kanya ng IO ay panahon na lamang ang makapagsasabi nito.

BI Comm. Fred Mison, mukhang salungat itong si Pascua sa programa n’yong BI CARES? I Don’t care ‘ata ang alam ng batang ito Sir!?

Pero sana ay huwag padalos-dalos ang mga batang IO sa kanilang pagganap ng tungkulin. ‘E kung sa isang mambabatas ganyan na ang asal nila, what more sa mga ordinaryong pasahero!?

Paano nga naman irerespeto at igagalang ang uniporme ng Bureau of Immigration kung ganyan ang asal ng isang IO!?

Sonabagan!!!

Piece of advice ko lang sa mga bagitong IO, kung may konting pagkukulang sa panig ng mga pasahero please be sober and broadminded para maiwasan ang ano mang problema sa panig n’yo.

At sa ‘yo naman IO Pascua, kung hindi mo babaguhin ang attitude mo tiyak may makakatapat ka rin!

Anyare sa kaso ng isang pulis-manyakol sa Tondo Maynila? (ATTN: SILG Mar Roxas at MPD DD Nana)

‘YAN ang tanong ng ilang concerned police ng Manila Police District (MPD) upang kalampagin natin ang tila natulog na kasong kinahaharap ng isang pulis-Maynila na minolestiya ang isang babaeng menor de edad.

Para palang Erap disqualification case ito na parang ‘natulog’ na rin sa Korte Suprema?

Tinutukoy nating kaso ang PEOPLE OF THE PHILIPPINES VS R. ROBLES.

Sa sobrang tagal nga raw ng nasabing kaso ‘e DALAGA na ‘yung minolestiyang menor de edad!

Ilang taon na ang nakararaan nang ating pasabugin ang isyung ito tungkol sa nasabing PULIS MANYAKOL na hinimas at nilamas ang buong katawan ng isang menor de edad sa TONDO at kung hindi tayo nagkakamali ‘e pinipilit pang pahawakan at ipasubo ang kanyang ari sa batang babae.

Namputsa naman talaga!!!

Ang pulis na suspek dito ay ‘yung demoted na si PO2 REZ ROBLES.

Anyway, naniniwala tayo na sa darating na November 26-28 ‘e magkakaroon na ng hatol ang butihing hukom ng Manila RTC Branch 33 para magawaran ng hustisya ang kaawa-awang biktima.

Gen. Rolando Nana, paki-check nga po si PO2 REZ ROBLES na balitang-balita na nagpapakilalang ‘BAGMAN’ ngayon sa Sta. Ana police station (PS6)?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Dragon Lady Amor Virata

OIC chief of police, kapuri-puri

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUMARAP kamakailan si OIC Chief of Police ng lungsod …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Quiboloy, wanted dito at sa ibang bansa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang sumusumpang inosente siya habang nagkukubli sa …

Dragon Lady Amor Virata

Negosyanteng intsik  inirereklamo ng mga empleyado

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata INIREREKLAMO ng may 11 empleyado ang JUJU Mart na …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Namamayagpag si Tulfo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA HULING survey ng WR Numero na ginawa noong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *