Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Relaks, It’s Just Pag-Ibig, sagot sa dasal ni Sofia

Relaks, It’s Just Pag-Ibig, sagot sa dasal ni Sofia

110414 relaks pagibig

00 fact sheet reggeeHINILING pala ni Sofia Andres sa Panginoong Diyos na magkaroon siya ng lead role sa pelikula na natupad naman dahil ikalawang pelikula palang niya (nauna ang She’s Dating The Gangster) ay bida na kaagad siya sa Relaks, It’s Just Pag-Ibig mula sa Spring Films distributed naman ng Star Cinema.

“Every Wednesday po, nagbaba-Baclaran kami for what I want and say thank you to Him,” sabi ng dalagita sa amin.

Unang napanood si Sofia sa pelikulang She’s Dating The Gangster nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bilang support.

Sa teleserye ay support ulit siya ni Kathryn sa Princess and I bilang bunsong kapatid, “ako po ‘yung mabait at matabang kapatid ni Kath,” balik-alaala ni Sofia.

At ngayon ay support ulit siya kay Liza Soberano sa Forevermore serye na kasalukuyang umeere ngayon.

Pero sa Relaks, It’s Just Pag-Ibig ay bida naman si Sofia, “sobrang blessed and happy po kasi pinagkatiwalaan nila and Lord give me this project na talagang dream ko pong magkaroon ng movie na ako ang bida with Julian (Estrada) and Inigo (Pascual).”

TINALO SI LIZA PARA SA LEAD ROLE

Dumaan daw sa audition si Sofia para sa role na ginagampanan niya at isa na nga si Liza, “kasabay ko po si Liza that time, pero two years in the making po ito at ako po ‘yung tinawagan na.”

READ MORE:  Megan, may ginamit na mantra para maging Miss World 2013

Naikuwento namin sa dalagita na ang choice ng producer sa papel niya sa Relaks, It’s Just Pag-Ibig ay si Liza, pero tumanggi ang direktor dahil malamya raw at natawa si Sofia dahil alam din pala niya ang kuwento.

“Opo, pero magkasama pa rin kami ni Liza sa ‘Forevermore’, ako naman po ang support,” saad niya.

Magkaibigan sina Sofia at Liza dahil, “okay po kami kasi hindi po siya showbiz na tao.”

Hindi miyembro si Sofia ng Star Magic Circle dahil nag-go-see siya.

“After a month po, tinawagan ako ng Star Magic and told me that I’m part of the Star Magic talents and they sign me a contract, tapos akala ko po, madali na kasi nakapasok na ako (ABS-CBN), pero marami palang competition,” pagtatapat ng dalagita.

CLOSE AT GUSTO ANG ISA’T ISA

Ano ang real score nila ni Inigo? Totoo bang MU sila o pa-kilig lang para promo ng Relaks, It’s Just Pag-Ibig?

“We’re talking po, and we text each other, but not everyday kasi busy din naman po siya, so we’re close po,” masayang sagot sa amin.

Gaano ka-close ang relasyon nila, “naging close po kasi kami sa movie, laging magkasama po.”

READ MORE:  Susan, laging nakasuporta kina Julia at Coco

So may mutual understanding nga kasi pareho nilang gusto ang isa’t isa, “yes po, ha, ha, ha, chill lang.” tila nahiyang sagot ng batang aktres.

Hindi naman itinanggi ng dalagita na gumimik na sila ni Inigo, “twice po, with our moms po sa Greenbelt po, hindi po kami pinapayagang dalawa lang,” pag-amin sa amin.

At siyempre nanood sila ng sine, “opo, ‘Transformers’ po, matagal. The other one (labas), nakalimutan ko na po kung ano ‘yun, kung saan kami nagpunta, a year ago pa po ‘yun.”

BOTO SA KANYA SI PIOLO

Boto ba ang mommy ni Inigo kay Sofia dahil ang daddy nitong si Piolo Pascual ay gusto ang dalagita.

“I don’t know po. Mabait naman po si tita (mommy ni Inigo), hindi naman po siya mean ‘pag kasama namin, pareho po kami ng gusto, chocolates,” napangiting sabi sa amin.

So ang bonding moments nila ng mommy ni Inigo ay ang pagkain ng chocolates, “he, he, binabawasan ko na po kasi lumalaki po ako,” sabi ng dalagita.

Kasalukuyang nag-aaral pa si Sofia, “regular school po, Montessori school po sa Pasig (City) po, 4th year high school po, graduating na po next year. I want to take up multi media po, film or masscom. Para related po sa (showbiz), para madaling gawin.”

READ MORE:  Vince Tañada, tuloy-tuloy ang pagsabak sa pelikula (Todo suporta rin ang lawyer-actor sa mga art film)

Pangatlo si Sofia sa apat na magkakapatid at tumutulong daw siya sa pagbabayad ng bills kung may extra siyang pera.

“May work po ang daddy ko kaya hindi naman po ako breadwinner, si mommy po walang work, siya po ang kasama ko sa mga lakad ko.

“Sobrang higpit si mommy po, okay naman po siya, wala namang sinasabi kay Inigo,” napangising kuwento ng batang aktres.

JULIAN, NANLIGAW DIN

Samantala, ibinuking din ni Sofia na nanligaw sa kanya si Julian Estrada, “kaso po at that time na nagparamdam siya, broken hearted siya kay Julia (Barretto), ayoko po ng ganoon.”

Nabanggit din ng dalagita na may mga nanliligaw din sa kanyang kapwa Star Magic talents at hindi raw alam ni Inigo dahil hindi naman niya sinasabi, “actually, kinakaibigan ko naman po lahat sila (manliligaw), it’s hard po kasi when you get close to showbiz guys, kasi parang paikot-ikot lang po, parang friends-friends kayo, tapos magiging kayo,” punto ng dalagita.

Anyway, mapapanood na ang Relaks, It’s Just Pag-Ibig sa Nobyembre 9 na idinirehe naman nina Antoinette Jadaone at Irene Villamor.
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved