Friday , April 19 2024

Tattoo artist itinumba

PATAY ang isang tattoo artist makaraan pagbabarilin ng riding in tandem kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Carlo Raymond Buot, 33, residente ng Ilang-Ilang St., Maligaya Park Subd., Brgy. 177 ng nasabing lungsod, sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo.

Habang pinaghahanap ang dalawang hindi nakilalang mga suspek na mabilis na tumakas.

Batay sa ulat ni PO3 Gomer Mappala, naganap ang insidente dakong 3 a.m. sa Zapote Road ng nasabing barangay.

Salaysay ni Novo Sausa, 42, nakarinig siya ng isang putok ng baril at nang sumilip siya sa labas ay nakita niyang nakahandusay ang biktima.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *