Saturday , April 20 2024

Yeng, bride-to-be na sobrang relax

103014 yeng constantino

00 fact sheet reggeeKAPAG pula raw ang kulay ng buhok, palaban o ganado sa trabaho, pero ‘pag pink ay in-love to the max. Bakit nga ba laging love ang naiisip ng lahat kapag may kulay pink ka sa katawan?

Ito ang napansin ng entertainment press kay Pop Rock Princess, Yeng Constantino sa ginanap na presscon para sa ICON: The Concert, na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa November 21 kasama sina Rico Blanco at Gloc 9.

Eh, sino nga naman ang hindi in-love lalo’t apat na buwan na lang ang hinihintay ni Yeng para maging opisyal na siyang Mrs. Victor Asuncion.

Kakaiba nga si Yeng dahil ‘yung ibang bride-to-be ay ngarag na, nag-i-iba na ang hitsura, hindi mo na makausap masyado dahil abala sa paghahanda sa kasal nila.

Iba naman ang drama ni Yeng, sabi niya, ”sobrang relax ako na bride.” Oo nga naman, relax, it’s just pag-ibig ang drama ng isa sa ICON.

Ang wedding day na lang nina Yeng at Victor ang hinihintay nila, ang petsang February 14.

As early as today ay wala ng halos ginagawa sina Yeng at Victor kundi i-review na lang lahat ang listahan nila at magmuni-muni kung ano ang magiging hitsura nila sa araw ng kasal nila.

Napaghandaan na kasi ng future groom and bride ang lahat, ”noong nag-propose po si Yan (palayaw ni Victor), naghanap na po ako ng pegs na gusto ko, kung ano ang gusto ko na wedding. Wala po akong stress na katulad ng sinasabi ng iba. Hindi po ako talaga mahilig sa details, pero na-e-enjoy ko po talaga ang pagbubutinting at pagtingin-tingin ng mga kutingting para sa wedding,” kuwento ni Yeng.

Pati mga dadalo sa kasal ay tapos na ring ilista.

“Ang circle ko po kasi talaga ay mga non-showbiz, mga friend ko before (showbiz) noong high school ako.

“Definitely po, invited po ang mga Kapamilya natin—mga kapatid ko po sa ‘ASAP’ and sa Star Magic.

“Sa entourage ko po, kasama ko po ‘yung mga best friend ko, mga kabanda ko po rati, at mga kaibigan ko from church,” masayang sabi ni future Mrs. Victor Asuncion.

ISANG SELEBRASYON NG ANNIVERSARY AT VALENTINE’S

Sa rami ng petsa, bakit Februaary 14 ang napili ni Yeng.

“Dahil cheesy ako, ha, ha, ha,” kinikilig na sabi ng dalaga.

“Buti nga pumayag siya, eh. Sabi ko, ‘Valentines day na lang’ sabi naman niya (Victor), ‘sige.’

“At saka para tipid na rin, para sa mga susunod na anniversaries (isahang selebrasyon), Valentines Day,”dahilan ng singer.

At ang honeymoon nila ay sa Maldives, ”ang saya nga kasi talagang pangarap ko ‘yon, one week lang.”

BABAE ANG GUSTONG MAGING PANGANAY

Tatlong anak lang ang gusto nina Yeng at Yan at ang dahilan ng Pop Rock Princess, ”kasi ‘pag panganay, espesyal kasi una, ‘pag pangalawa, espesyal kasi gitna at ‘pag bunso, espesyal kasi bunso, ha, ha, ha. Ang hirap kasi ‘pag apat, parang alangan ‘yung sa gitna, ‘di ba may little child syndrome, feeling nila hindi sila favorite.”

At babae ang gusto nilang panganay, ”babae, kasi limang lalaking magkakapatid sina Yan, so hindi niya na-experience na magkaroon ng little princess, so gusto kong ma-experience niya ‘yun na magkaroon ng baby girl,” paliwanag sa amin.

Paano kung puro babae lahat ang maging anak nila?

“Hayun, ang suwerte niya, jackpot siya,” tumatawang sabi.

At kung humirit ng junior si Victor, ”hindi na talaga, after three (kids) ano talaga, kung anuman ‘yung kailangang gawin, gagawin para hindi na masundan.

“Mas maganda nga kung malalayo ang gap (mga anak) kasi magiging hands-on mom ako.”

At pati bahay pala ay nakahanda na rin,”bumili na kami ng bahay, ‘yung condo naming dalawa, bumili rin kasi kami ng isa pa na akala namin ay doon kami titira, eh, hindi pala, so pauupahan na lang namin.”

Natutuwa kami dahil halos lahat ng pinangarap ni Yeng ay unti-unting natutupad dahil ito rin naman ang sinabi niya sa amin noong contestant palang siya sa Pinoy Dream Academy Season 1 habang nasa barko kami patungong Cebu City na roon sila ini-launch kasama sina Ronnie Liang, Jay-R Siaboc, Davey Langit, ang naugnay kay Yeng na si RJ “Tuesday” Jimenez at marami pang iba.

MADALING NAABOT ANG MGA PANGARAP

Bago namin ma-one-on-one si Yeng ay kumakanta-kanta siya ng Pangarap Na Bituin kaya ang tanong namin ay kung nahirapan ba siyang abutin ang mga pangarap niya.

“Well, God made it easy for me, I must say. Ang galing lang ni God kasi nilagyan niya ako ng tamang tao to surround me para ma-reach ko ‘yung dreams ko,” napangiting sabi ng dalaga.

PAGKAKAIBA NINA RICO, GLOC 9, AT BAMBOO

Samantala, muling tutuntong si Yeng sa Smart Araneta Coliseum sa ikawalang pagkakataon sa Nobyembre 21 para sa ICON: The Concert kaya tinanong namin ang dalaga kung paano niya mailalarawan sina Rico at Gloc 9.

“Totally different books, hindi sila puwedeng mapagkompara kasi sobrang iba. Both are beautiful, parang ganoon, eh.

“Rico is super highly creative person, nabalitaan mo ba ‘yung ginawa niya na album, ‘yung concert niya sa Teatrino or Music Museum, ‘yung nag-ati-atihan siya?

“Walang ganoong OPM artist for me, siya ‘yung very experimental. Ako kasi may pagka-experimental ako, pero hindi ko pa siya nadadala to that level na people may say parang sobrang, out this world na.

“’Pag artist ka kasi lagi mong sinasabi na ‘I wannna be like this, I wanna be like that, fearless, gusto ko talaga magawa ‘yung vision ko.

“Si Gloc 9 naman, passionate writer, ‘pag nakita mo siyang mag-perform ng live, para siyang halimaw talaga, ‘pag sinasabi niya ‘yung words sa rap, sinasabi niya talaga, sobrang thrill ng emotions na inilalabas niya ‘pag perform niya.

“Una sa lahat siya ‘yung sumulat, pangalawa, alam niya kung ano ‘yung sinasabi niya and when he writes songs, hindi siya sumusulat ng mga bagay na mababaw lang. Sumusulat siya ng mga bagay na tumatalakay sa lipunan.

“’Yun ang nagma-matter, hindi lang ‘yun nagswa-swak sa music industry, even sa utak ng mamamayang Filipino, so sobrang parehong deep (Rico at Gloc 9), magkaiba talaga,”mahabang sabi ni Yeng.

Kinumusta naman namin si Bamboo na una niyang nakasama sa BY Request at kung ano ang pagkakaiba niya kina Rico at Gloc 9.

“Si Bamboo, sobrang na-surprise talaga ako sa tao na ‘yun, at talagang starstruck ako, kasi Bamboo siya. Lagi naman akong starstruck, kahit kay Tito Gary (Valenciano) ‘pag nagkikita kami sa ‘ASAP’, kailangan kong bumuwelo (pa).

“Si Bamboo ay mayroong imahe na tough, alam mo ‘yun, pero once na makausap mo siya, iba. At saka siya ‘yung pinakamabait na taong nakilala ko talaga, sobra siyang humble, napaka-gentle niyang tao.

“Hindi nakikita ng ibang tao ‘yung mga bagay na ‘yun na nakikita ko kasi lagi kong kasama sa backstage, kasama ko sa rehearsals and amaze lang ako kasi ganito pala ka-humble ‘tong taong ‘to, ganito pala siya kadaling pakisamahan, tapos napaka-professional niya, kasi rehearsal palang, wasak ka na.

“Para ba siyang nagpe-perform sa Araneta, so matsa-challenge ka, talagang nag-grow ako noong nag-show kami sa Araneta kasi kailangan kong pantayan siya (performance) kasi kung hindi kakainin niya ako ng buhay kasi sobra siyang passionate, mayroon na akong apoy, ginatungan pa niya (Bamboo), para lalo akong umapoy at ‘yun ang mga gusto kong maka-collaborate at nakikita ko rin ‘yan kina Gloc 9 at Rico na para dagdagan talaga ‘yung apoy ko, nai-inspire talaga ako, talagang kailangan kong galingan ‘yung ginagawa ko kasi hindi naman lahat ng tao binibigyan ng pagkakataong makapag-perform sa Araneta and may mga taong nagtiwala sa ‘yo ng ganyan, kaya sobrang grateful lang ako. Excited na talaga akong mag-perform,”kuwento ni Yeng.

Kaya sa lahat ng followers nina Yeng, Gloc 9, at Rico sa social media at hindi followers ay pagkakataon ninyong mapanood silang tatlo sa ICON: The Concert sa Araneta Coliseum, Nobyembre 21, 8:00 p.m., produced ng Cornerstone Concerts co-presented ng Tuseran.

Pinasasalamatan din ng ICON ang ASAP 19, MYX, The Philippine Star, Businessworld, 96.3 Easy Rock, MOR 101.9, 95.5 Pinas FM, PEP, The Manila Concert Scene, Yahoo Phils at Astroplus at major sponsor ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP). Para sa gustong bumili ng tickets ay maaring tumawag sa 911-5555 or log in at www.ticketnet.com.ph

 

ni Reggee Bonoan

 

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *