Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Sex scandal na naman sa DILG (Anyare SILG Mar Roxas!?)

Sex scandal na naman sa DILG (Anyare SILG Mar Roxas!?)

HINDI pa lumalamig ang sex scandal ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado sa madla heto meron na namang bagong sex scandal mula naman sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

This time, isang waitress ang nagreklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa isang police superintendent na kinilalang si Supt. Erwin Emelo, ang bagong hepe ng District Special Operations Unit ng Southern Police District (DSOU-SPD).

Biyernes pa lamang ay natanggap na natin ang impormasyon, kaya nag-post na tayo sa ating facebook account at hinihintay nga lang natin ang opisyal na reklamo dahil sabi nga maghahain ‘yung (mga) biktima.

Batay sa sinumpaang salaysay ng biktima, naganap ang panghahalay sa kanya, sa mismong opisina ni manyakol ‘este Kernel Emelo sa DSOU-SPD  sa Taguig City, nitong Oktubre 23, dakong 2:00 ng hapon.

Ang 29-anyos na waitress ay kabilang sa mga babaeng sapilitang dinala ng grupo nina Emelo sa SPD sa Taguig City.

Kung susundan ang oras mula nang pasukin ng grupo ni Emelo ang Ms. Universe Club hanggang maisakatuparan ang umano’y panggagahasa sa waitress, umabot lang ito ng 12 oras.

Madaling araw (2:00 a.m.) nang salakayin nila ang Ms. Universe Club at 2:00 ng hapon, matagumpay na naisakatuparan ni Emelo ang panggagahasa sa waitress sa mismong opisina niya habang nakatalikod ang isa pang waitress na kaibigan ng biktima.

O baka naman pati ‘yung kaibigan na waitress ay tinikman pero hindi na lang nagsumbong sa takot.

Sinabi ng biktima, nang makita siya ni Emelo, agad hiningi ang kanyang mobile number at nang nasa loob na ng opisina ay nag-text sa kanya para siya ay papasukin sa loob.

Hindi sumunod ang biktima  kaya ipinasundo siya sa isang pulis.

Pagpasok sa opisina, pinilit siya ni Emelo na magpahinga sa kwarto dahil madaling  araw na nga pero tumanggi siya. Inalok siya na papasukin ang kaibigan kung natatakot umano siya.

READ MORE:  Rehabilitasyon ng Marawi, now na!

Dahil sa pagod  at antok napilitan na rin humiga ang dalawa para magpahinga, pero dahil naka-bestida nang maikli hindi mapakali ang waitress.

Inialok ni Emelo ang kanyang t-shirt at shorts ang biktima sabay sa-bing, “Huwag ka na mag-panty.”

Nang nakahiga na ang dalawang waitress, ilang beses binalik-balikan ni Emelo ang biktima at inalok na sila ay mag-sex.

Hanggang garapalang inalok ni Emelo na hindi isasama sa inquest ang dalawang waitress kung papayag sa libog ‘este gusto niya.

Bago mag-alas dos ng hapon ay napikon na umano si Emelo at sinabing, “gusto mo bang tutukan pa kita para sumunod lang sa gusto ko?”

Noon nahalata ni Emelo na natakot siya at agad na sumampa sa kanya habang inutusan ang isang waitress na tumalikod.

Dahil maluwag ang t-shirt at shorts madaling nahubad ni Emelo ang suot ng biktima hanggang tuluyang mailugso ang kanyang puri.

Unang nagreklamo ang biktima sa WCPU-CIDG sa Camp Crame pero naramdamn nila na hindi aaksyonan ang kanilang reklamo kaya lumipat ang mga biktima sa NBI.

Tsk tsk tsk …

SILG Mar Roxas, nalulungkot tayong masyado sa nangyayari sa mga ahensiyang nasa ilalim ng iyong responsibidad …

Ano ba talaga ang nangyayari sa DILG?!

Emperor “Int’l Prosti” Club business as usual!!! (Attn: Mga bagman ng DILG, PNP at NBI)

BUMALANDRA kamakailan sa mga pahayagan at maging sa mga telebisyon ang isinagawang pag-raid ng NBI sa untouchable high-end na EMPEROR Club and KTV sa Remedios St., Malate, Maynila.

Kung hindi tayo nagkakamali, ilang mga babae at 40 Chinese prosti ang nai-rescue ‘kuno’ ng NBI sa isinagawang pagsalakay sa EMPEROR KTV.

Maraming taga-Immigration ang nagtatanong nga kung bakit hindi raw na-turn over sa kanila ang mga Chinese prosti girls for verification.

READ MORE:  Don’t panic sa ‘unverified & unvalidated’ informations

Ang sabi sa DSWD daw ini-turn-over ang mga babaeng singkit!? Bakeeet!?

Buong akala kasi ng mga urot sa MPD ay tuluyan nang maipapasara ang Emperor Club.

Isang maling akala lang pala?!

Wala pa kasing dalawang linggo ay OPEN at BACK to BUSINESS na agad ang EMPEROR KTV cum prosti club?!

What the fact!?

Ayon sa ating Bulabog boy, mas matindi ang seguridad at pag-iingat ng management ngayon ng EMPEROR CLUB. Mayroon sila ngayon 6 na BOUNCER na armado sa ibaba pa lang ng entrada ng building. May 4 na CCTV camera sa peri-meter at eeskortan ka ng isang bulldog ‘este boun-cer papasok sa entrance hanggang 2nd floor reception table.

Pagpasok ng 2nd floor kasama ang escort bouncer  ay saka lang ipapasa sa dalawang house cum floor manager (isang babae at isang lalaki) depende sa hanap mong serbisyo.

Kapag KTV service lang ang unang hanap ay babaeng manager ang mag-a-assist sa ‘yo patu-ngo sa VIP room.

Mala-palasyo ang estilo ng mga KTV VIP rooms sa Emperor dahil mga kulay ginto ang malalaking sofa/couch at naglalakihang flat screen TV.

Pinakamababang room rate ay P10k pataas good for 2-4 persons hindi pa kasama ang table charge ng mga bebot.

At kung kailangan mo na ng mas matinding extra-service ay dito na papasok ang isang lala-king  house manager cum bugaw na alyas BHIM (0999838….) na siyang magbibigay ng bebotsky sa ‘yo.

Depende pa rin sa presyo na kaya mo ang babaeng ibibigay sa ‘yo. Hindi pa kasama ang extra-service charge.

Ang mayayamang Intsik na customer at exclusive naman, sa kanila ang mga Chinese prosti na ipinapasok sa kuwarta na kunwari ay kasama nila na nagka-karaoke lang.

READ MORE:  Nuclear power plant kailangan para sa mas mabilis na pag-unlad

Dagdag ng Bulabog boy natin, sinabi ng isang GRO na ilang Chinese prosti at customer nila ay nagja-jamming session pa sa loob ng kuwarto. Halata raw na may ‘karga’ dahil hindi naman masyadong umiinom ng alak.

‘Yan daw ang dahilan kaya dinudumog ng mga Chinese at Korean gangster.

Sonabagan!!!

SOJ Leila de Lima,anyare ba talaga sa raid ng NBI sa club na ito!?

Just asking lang ho!

Bakit mangungutangkung may savings?!

MR. JERRY mangungutang daw si PNoy e sabi nila kalbo Abad malaki ang savings. Nasaan na at bakit may bilyon na pondo ang DSWD na nawawala? Sa bulsa na napunta at nagso-sona pa sa ibang bansa ang president na maganda ang buhay sa Pilipinas. Ayos din a, nahiya sa sinasabing kasinungalingan niya. Idadamay pa ‘yong tao sa kalokohan ng mga KKK niya +63928251 – – – –

M/V Maharlika II lumang-luma na (Attn: DOTC)

GOOD day sir Jerry, ang M/V Maharlika II, ay mga 1980s pa po ‘yan dati nakadestino po ‘yan jan sa Matnog, Sorsogon  at San Isidro Port sa Samar, lumang-luma na po talaga ‘yan bakit ginagamit pa hanggang ngayon plus may mga sakay pa ‘yan na mga buses bukod sa mga taong pasahero thanks po. +63923929 – – – –

Desmayado sa kaso ni Cedric Lee

ITS SHOWTIME! Wala na talagang pag-asa justice systm d2 sa Pinas, pera-pera ang paglaya ni Cedric Lee, pinaiiral kundi guns ang goons at delikado ang buhay ni Vhong ngaun nakalaya na Cedric Lee. Hndi malayo 2loyan nila ang actor, batas Pinas mukhang pera-pera, very obyus +63943555 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

Jerry Yap

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved