Friday , April 19 2024

Manolo Pedrosa, gustong sundan ang yapak ni Piolo Pascual

102914 Manolo piolo

00 Alam mo na NonieNAGKAROON ng post birthday celebration ang ex-PBB Housemate na si Manolo Pedrosa na dinaluhan ng kanyang fans, mga kaibigan, at pamilya.

Sa naturang selebrayon ng bagets na tinaguriang Tsinito, sinabi niya ang kanyang birthday wish at nagpasalamat siya sa kanyang fans sa walang sawang pagtangkilik sa kanya. “My wish po, that I will continue po to have a good life na kahit nasa showbiz na ako ay magiging humble pa rin ako, magiging down to earth pa rin ako.

“Salamat sa fans, sobrang happy po ako na ang naririnig ko yung mga positive comments, sobrang nata-touch po ako na, grabe! Worth it pala na yung mga ginawa ko sa PBB, worth it lahat sa mga sinasabi ng mga fans ko. So, sobrang happy po ako,” nakangiting pahayag ni Manolo.

Sa ngayon ay kasali si Manolo sa Hawak Kamay at nabanggit ng 17 year old na La Sallista na proud siyang maging bahagi ng ABS CBN serye na pinagbibidahan ni Piolo Pascual.

“Sobrang proud po ako na nakasama ako sa isang primetime show, na paglabas ko po sa PBB ay nakasama ako. Sobrang nagulat talaga ako, kasi po ay primetime ito at kasama ko pa si Piolo. Kaya sobrang happy and blessed po ako.”

Kung sakali, gusto mo bang sundan ang yapak sa showbiz ng isang Piolo Pascual? “Siguro po, kapag binigyan ako ng opportunity na ganoon, katulad kay Piolo, opo. Kasi, maganda ang career ni Piolo at magaling siya and sobrang sikat po niya.”

Pagdating naman sa mga gusto pa niyang makaparehang young stars bukod kay Janella Salvador, ito ang sinabi ng six footer na young actor. “Iyong mga teenagers po na tulad nina Julia Barretto at Kathryn Bernardo. Kasi po, sila iyong mga ka-age ko po, kaya sila iyong mga gusto ko to work with po.”

Inamin din ni Manolo na bago siya pumasok sa showbiz, crush daw niya talaga si Julia Barretto.

“Si Julia Barretto po ang showbiz crush ko, kasi, nagagandahan ako kay Julia,” matipid na sagot pa niya.

Very soon ay ilo-launch na sina Manolo at Janella Salvador sa kanilang sariling TV show sa Kapamilya Network na pinamagatang O. M. G. kaya tiyak na lalong pagkakaguluhan ng fans ang guwapitong alagang ito ni katotong Jun Reyes.

MOJACK, HAHATAW SA JAPAN NEXT MONTH!

NAKATAKDANG humataw sa Japan next month ang masipag na comedian/singer na si Mojack. Ang ilan sa shows niya sa Japan ay sa Pamilya Restaurant Kawasaki Comedy Bar sa November 21, 22, 29 & 30. Sa November 24 naman sa Osaka, at November 29, sa Yokosuka Base sa Japan.

Mayroon na ring radio program ngayon si Mojack sa BRIGADA NEWS FM 104.7. Mapapakinggan siya rito every Sunday, 4 to 7 pm kasama si Manny Paksiw (Manny Pacquiao Impersonator) sa kanilang programang Magpa-MP.

Bakit ganito ang title ng show ninyo? “Magpa-MP po means, Magpa-Play, Magpa Pabati, Mag-Paabot ng damdamin, Mag-Pasaya, lahat po ng klaseng Magpa-MP,” nakangiting saad ni Mojack.

Samantala, happy si Mojack dahil naging bahagi siya muli ng It’s Showtime. “Nagpapasalamat po ako sa It’s Showtime dahil guest uli kaming stand-up comedians last October 25 sa 5th anniversary nila sa segment na Arte Mo ‘to!

“Hindi naman po namin hinangad na manalo sa anumang contest, ang nais lang po namin ay makagbigay saya sa lahat ng televiewers.”

Kahit puyat dahil galing sa set sa comedy bars noong gabi ng Friday, go pa rin daw sila kahit walang tulugan. “After ng Showtime, dumiretso po ako sa Baliwag, Bulacan upang pasayahin ang Holloween Party 2014 ng mga kababayan nating vendors doon at natapos ako ng 10 pm na.

“Sunod naman po ang paghabol ko sa concert namin sa Ciudad de Valenzuela sa Valenzuela City na nakasama ko po ang Siakol, Kwadro, Filipinas, at marami pang iba kaya umaga na ako naka uwi. Pero fulfilled dahil may mga tao akong napasaya,” nakangiting kuwento pa ng talented na alaga ni Ms.Jackie Dayoha.

 

ni Nonie V. Nicasio

 

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *