Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / P87M Tubbataha payment, bantayan vs corrupt

P87M Tubbataha payment, bantayan vs corrupt

GOOD news. Pilipinas magkakapera dahil sa Tubbataha Reef. Ha! Bakit naman? Naalala n’yo ba ‘yong sumadsad na barkong pandigmaan ng Estados Unidos sa Tubbataha Reef noong Enero 2013. Malaking pinsala ang iniwan ng barko sa lugar kaya, pinagbabayad ang Amerika sa napinsalang bahayan at itlogan ng mga isda sa lugar.

Yes, kinompirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na babayaran na ng Amerika ang gobyernong ‘Pinas ng halagang P87 milyon bilang danyos sa napinsala sa lugar. Ayos kung magkaganoon.

Aba malaki-laking halaga rin ito — sana ay mabalatohan man lang ang milyon-milyong naghihirap na Pinoy sa naturang halaga. Sana nga!

Pero malabong mangyaring babahagian ang maraming Juan Dela Cruz sa P87M dahil ang pera raw ay para pa rin sa Tubbataha Reef. Aayusin daw. Mano-manong ayusin?

Aayusin? Sa anong paraan? Hindi ba kusang ‘gagaling’ ang nasirang corals kaya paanong mangyaring gagamitin ang P87 milyon sa ‘repair’ ng tubbataha?

Ano pa man, dapat na bantayan natin ang gobyerno kapag hawak na nila ang P87M. Hindi po barya ang naturang salapi dahil kung tutuusin ay maraming mahihirap ang puwedeng matulungan ng gobyerno sa nasabing halaga.

Oo marami… kung gagamitin (sana) ito sa pagtulong kaya lang, malabong itulong ito kay Juan Dela Cruz at sa halip ay baka pa nga siyento por siyentong mapupunta sa bulsa ng iilan magnanakaw ang milyones.

Kaya kailangan maging mata tayong lahat sa P87M dahil kilala n’yo naman anong klaseng gobyerno ang mayroon tayo — kung anong klaseng mga opisyal at kawani mayroon ang gobyerno natin.

Marami pa rin magnanakaw kahit na ipinagmamalaki ng Pangulo natin na halos natutuwid na raw niya ang daan. Halos lang ha… ibig sabihin, dami pa rin magnanakaw.

Ang Pangulong Noynoy Aquino ay hindi magnanakaw pero… paano naman ang kanyang mga galamay at galamay ng kanyang mga galamay. Yes, marami rin sa galamay ni PNoy ang magnanakaw kahit pa may kampanya ang Pangulo laban sa mga magnanakaw sa kaban ng bayan.

Malapit na ang halalan, hindi ko naman sinasabing baka gagamitin ng admin para sa kanilang candidates sa pangangampanya ang P87M pero maging ‘vigilant’ pa rin dahil maraming beses nang nalulusutan si Juan Dela Cruz.

***

INUMPISHAN na ni Sr. Supt. Joel Pagdilao, Quezon City Police District (QCPD) Director, ang kanyang giyera laban sa kriminalidad sa lungsod. Naku paktay kayong masasamang loob. Kaya huwag na huwag ninyong subukan si Pagdilao. Kulungan ang bagsak n’yo… at kapag minalas-malas kapag kayo’y manlaban sa kanyang mga tauhan… naku po!

Nang maupo si Pagdilao sa QCPD matapos palitan si Chief Supt. Richard A. Albano, isa sa target ni Pagdilao ay kailangang bumaba ang krimen sa lungsod.

Kaya agad siyang nagbaba ng direktiba sa kanyang mga tauhan na doblehin ang pagbantay sa Kyusi para sa seguridad ng mamamayan at doblehin ang pagbantay laban sa mga kriminal.

‘Ika nga ni Pagdilao, huwag nang hintayin pang makaiskor ang mga kriminal at sa halip ay kailangan masawata sa ano mang binabalak na pagkakalat ng lagim sa QC.

At ito naman ay pinatunayan ng QCPD… epektibo ang kampanya ni Pagdilao. Kamakailan ay isang shabu tiangge ang natuklasan at dinurog ng QCPD… sinalakay ang tianggehan ng shabu na nagresulta sa pagkaaresto ng mga pusher at management shabu den.

Sumunod naman ang pagkaaresto ng tatlo sa most wanted sa talaan ng QCPD. Nadakip ang tatlo sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng QC Regional Trial Court. Nang maaresto ang tatlo sa Fairview, sila ay nagmamanman ng ilang papasuking establisimiyento para holdapin.

Ang tatlong naaresto lang naman batay sa kautusan ni Pagdilao ay responsable sa mga serye ng holdapan sa Fairview,QC. Sila rin ang itinuturong pumasok at nangholdap ng tatlong SPA sa Fairview.

Sr. Supt. Este, General Pagdilao, congrats at sana’y magpatuloy ang kampanya n’yo laban sa kriminalidad.

Almar Danguilan

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved