Friday , April 26 2024

MIAA Coop Cell/Sim Cards counter binigyan ng ultimatum sa NAIA T-1

BINIGYAN ng ultimatum na hanggang nakaraang Lunes (October 20) na lamang ang mga taga-MIAA Cooperative para hakutin palabas ng Arrival lobby sa NAIA Terminal 1 ang kanilang wala pang isang pulgada at halos isang dangkal na lapad na counter ng Globe/Smart Cellphones loads/Sim Cards counter.

Ito ay sakaling hindi magkasundo ang MIAA management at MIAA Coop sa gusto ng una na magbayad ng upa sa gakulangot na puwesto.

Hinaing ng taga-Coop, gusto ng MIAA na magbayad sila ng 20% ng gross income nila every month bilang renta sa napakaliit na espasyo.

Sa panig ng Coop, bakit sila sisingilin ng ganoon samantala ang kanilang pinagsisikaping kitain ay pera naman ng mga empleyado na miyembro ng MIAA Coop  at hindi naman mga outsiders o masasabing others.

Binigyang-diin nila, na mukha umanong hindi na nagiging makatao at hindi na rin maka-Diyos ang mga patakaran na ipinatutupad ng kung sino man ang nagpapa-bright-bright na MIAA official na pati ang konting pakinabang ng mga empleyado na hindi naman galing sa masama ay pagtripan pa ng mga power trippers ng NAIA.

Oo nga naman. Wala na nga silang tinatanggap na benepisyo tuwing Pasko ay tatanggalan pa ng konting dibidendo.

How cruel naman!

Wala na ba kayong maisip na puwedeng pagkaperahan? Pati ba naman maliliit na manggagawa ng paliparan ay hindi pa ninyo mapagbigyan sa napakasimpleng bagay?

Doon na lang kayo sa advertisers o kay Simon Wong bumawi?!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *