Thursday , April 25 2024

Ang opisyal na tugon ng PHILRACOM

00 kurot alex
SA pamamagitan ng ating kolum na Kurot Sundot,  nais nating pasalamatan ang Philippine Racing Commission sa pumumuno ng butihing Chairman Angel L. Castano Jr.  sa pagbibigay-pansin sa inihahain nating puna, suhestiyon at problema ng ating  ”Bayang Karerista” na may kaugnayan sa karera sa ating bansa.

Narito po ang tugon ng komisyon:

MR. ALEX L. CRUZ

Columnist/ Hataw Sports Editor

KUROT SUNDOT

 

Ginoong  Cruz,

Maraming salamat sa iyong mga kolum ng 18, 23 at 24 ng Oktubre 2014   kaugnay sa mga napapanahong isyu sa karera.

Nais naming ipabatid sa iyong mga masugid na tagasubaybay at sa  “Bayang Karerista”  na ang  mga napapanahong isyu tulad nito ay masusing  binibigyan pansin at halaga ng inyong Commission Board sa  regular na pulong  kasama ang mga miyembro ng Board of Stewards at   pamunuan ng Racing Clubs.

Binigyang pansin din ng PHILRACOM sa pamamagitan ng mga Racing  Managers ang mahalagang tungkulin ng mga “Broadcast Panelist”  bilang   taga-pagpalaganap ng impormasyon hinggil sa mga napapanahong isyu at   mga kaganapan sa karera para sa  kaalaman ng “Bayang Karerista.”

Ang  ating Philippine Racing Commission sa pamumuno ng  butihing Chairman Angel L. Castaño, Jr. ay  gustong ipabatid sa  ating industriya ng karera ang kabuluhan nito tungo sa pag-unlad ng ating bansa.  Bilang pagpapatunay ayon sa rekord, ay nakapagtala  sa kasalukuyan  ang PHILRACOM ng P433 Milyon “increase in sale”  at patuloy na tumatahak sa “Daang Matuwid” upang makamit ngayong  2014  ang  “Top 5 Best Gross Sales”  mula pa noong 1974.

Ang mga reporma ng PHILRACOM ay unti-unting nagbubunga ng  inaasahang  resulta para sa ating industriya. Batay sa talaan ng Komisyon ngayong  3rd Quarter ng 2014,  ang mga “Vicious”  horses ay nabawasan ng 5%; ang   mga ‘bleeders’ o sumasargong kabayo ay nabawasan ng  6.2%;  at ang mga  napipilayan at nabawasan ng 80.7% kumpara sa nagdaang taon 2013.

Maraming bagong horse owners ang pumasok sa ating industriya na sa  kasalukuyan ay naitala sa  tatlumpung (30)  investors kasama na dito  ang ilang dating horse owners na nagbabalik sa karera.

Bilang pasasalamat, ang inyong Komisyon ay lubos na nagpapahalaga sa   inyong masusing pagbabantay sa ating mga karera. Kayo ay makakaasa sa  mga tuluyang pagbabago na aming  ipinatutupad  para sa ikagaganda at  ikabubuti ng ating lokal na industriya ng karera.

                Gumagalang,

                PHILRACOM

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *