Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Usaping Pork Barrel, Atbp

Usaping Pork Barrel, Atbp

All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness, so that the man of God may be thoroughly equipped for every good work. ——2 Timothy 3:16-17

MULING uminit ang usapin sa pagbasura ng pork barrel sa mga mambabatas. Pinapangunahan na ito mismo ngayon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP.

Hiniling nila sa publiko na makiisa sa panawagan na i-abolish na ang Priority Assistance Development Fund (PDAF) sa pamamagitan ng paglagda laban sa pork barrel.

Malawakang signature drive!

***

DALAWANG simbahan sa Maynila ang nakiisa saPeople’s Initiatives Against Pork Barrel signature campaign, ang Sta.Cruz Church at ang Quiapo Church, gayundin ang Baclaran Church at ang Church of the Apostolic Vicariate sa Puerto Princessa.

Maaaring lumagda ang parishioners sa signature drive na ito basta’t naniniwalang dapat nang tanggalin ang pork barrel sa kongreso.

Mayor Lim ang unang may inisyatiba ibasura ang PDAF!

PERO ilang beses na natin nabanggit na kung binigyan kaagad lamang ng pansin noon ng Senado ang Senate Bill No. 2618 na sponsor na noon ni Senador Alfredo Lim. ay wala na sanang pinag-aawayan pa o mas tamang sabihin wala na sana silang nanakaw pa sa kaban ng bayan!

Noong 13th Congress First Regular Session of the Senate pa isinumite ang kanyang anti-pork barrel bill o noong 2004. Lumalabas na isang dekada nang ipinababasura ang pork barrel sa kongreso.

***

IBIG sabihin, kung naaprubahan lamang ang Senate Bill No. 2618 noon ni Senador Lim, aba, ‘di sana’y wala nang nakulimbat na mahigit P10 bilyon sa kaban ng bayan.

Marami sana napaglaanang proyekto ang nasabing pondo, gaya ng low cost housing, heath program at free education para sa mahihirap.

***

HINDI tinanggap ni Mayor Lim ang kanyang pork barrel sa Senado na umaabot sa P200M.

Hanggang ngayon ay naninindigan si Mayor Lim na dapat nang alisin ang pork barrel sa mga Senador at Kongresista dahil malaking pondo lamang ng PDAF ay napupunta sa bulsa ng mga mambabatas.

‘Yan ang tunay na Lingkod-bayan!

Ibasura pati political dynasty

TUTAL mainit ang isyu sa pagbasura sa pork barrel, bakit hindi na rin isabay ang usapin ng political dynasty?

Susme, mga kabarangay si Mayor Lim din ang nanguna noon sa Senado para labanan ang anti-political dynasty sa bansa. Ito ‘yun mula sa kaapo-apohan sa tuhod ang naghahari lamang ay iisang pamilya o angkan sa politika.

***

ANG kanyang Senate Bill No. 1317 ay naglalayong putulin na ang tanikala ng pagkakaroon ng kaanak sa politika ang isang nakaupo Mayor, Senador o Kongresista.

Sa Senate bill na inihain noon ni Mayor Lim bawal na ito. Ang pork barrel at political dynasty ay magkadugtong na kasangkapan upang makontrol ang kaban ng bayan at pagnakawan ito.

Tama ba ako mga kabarangay?!

Ang Ospital ng Sampaloc, bow!

AYAW ko maniwala na kunsintidor si Dr. Jesus C. Sison, officer in charge ng Ospital ng Sampaloc sa mga reklamong ibinabato laban sa kanyang mga medical staff, kundi mga pabaya, ay walang modo sa kanilang mga pasyente.

Hindi porke’t sinisilbihan nila ay mahihirap na Manilenyo ay maaari na nilang sigaw-sigawan, ipangalandakan na sila ang ‘hari’ sa ospital.

***

SANGKATERBA na kasi ang reklamo laban d’yan sa mga naka-duty sa Emergency Room (E.R.). Naturingan ER, pero parang pagong kung kumilos ang mga on-duty doctors at nurse sa mga pasyenteng nangangailangan ng kagyat’ na ayuda. Marami rin anomalyang nagaganap sa nasabing pagamutan kabilang ang porsyentohan sa lab test sa mga private clinics na nasa paligid ng ospital.

Aba, Dra. Leonora Pascual, OIC, Chief of Clinics, nalalaman n’yo po ba ang nagyayari sa loob ng E.R n’yo?

Kung hindi, magsipagbitiw na kayo riyan sa Ospital!

***

DAPAT itong Ospital ng Sampaloc ang gawan ng surprise visit nina dating Pangulong Erap at VM Isko.

Dahil ang kwento sa atin, isang nurse daw ang nagsabi na si Erap daw ang nagpapasingil ng consultation fee sa mga pasyente!

Nakupoo alam mo ba ito OIC Dr. Sison?!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

 Chairwoman Ligaya Santos

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved