Thursday , April 18 2024

Dalagita patay sa shotgun ng erpat

ROXAS CITY – Patay ang isang 15-anyos dalagita nang aksidenteng nabaril ng kanyang ama sa Brgy. Agloloway Jamindan, Capiz.

Tinamaan ng bala sa kanang hita na tumagos sa ari at likod ang biktimang si Riza Selvino, binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital.

Napag-alaman mula sa lola ng biktima na si Monica Selvino, aksidenteng nakalabit ng amang si Ricky Selvino ang pag-aaring 12-guage shotgun na nasa kanyang uluhan habang naghahanda na sa pagtulog.

Sa puntong ito, tinamaan ang apo na kararating lamang sa bahay mula sa panonood ng telebisyon sa kapitbahay.

Isinugod ang menor de edad sa Roxas Memorial Provincial Hospital ngunit bigong mailigtas nang naubusan ng dugo.

Walang plano ang pamilya na magsampa ng kaso laban sa suspek.

Beth Julian

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *