Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Mayor Alfredo Lim at Rep. Atong Asilo subok sa pagtulong

Mayor Alfredo Lim at Rep. Atong Asilo subok sa pagtulong

WALANG kaladkad na media si Manila Mayor Alfredo Lim nang puntahan ang may 200 pa-milyang nasunugan sa Tondo kamakailan at namahagi ng mga de-lata, bigas, noodles at P200 cash sa bawat nasunugan.

Kabilang sa mga nasunugan ang kaibi-gan ng masa na si Rep. Kuya Atong Asiilo ng 1st Dist., na ang bahay ay katabi lamang ng Pritil Market.

Sina Mayor Lim at Rep. Asilo ay kapwa kilala at patuloy na hinahangaan ng mga ka-lugar nila sa Tondo pagdating sa larangan ng makatotohanang pagdamay sa kapwa.

Nasunugan na, sinumbatan pa

ANG hindi akalain ng mga residenteng nasunugan na pati ang pagtulong pala sa kapwa na dati namang ginagawa nina Mayor Lim at Rep. Asilo ay mamasamain ng riding-in-tandem nina “ghost employees at RPT shares scam mastermind” Vice Mayor Isko Moreno at ng kanyang “president-mayor-daddy” na si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada.       Nataranta ang mag-among bugok, hangal at estupidong riding-in-tandem sa Manila City Hall nang mabalitaan ang maagap na pagtulong nina Mayor Lim at Rep. Asilo kaya napilitan silang agad sumugod sa Pritil para mamudmod din ng relief goods.

READ MORE:  ‘Nakarma’ si Bautista

Pero ang masaklap, imbes makiramay ay sinumbatan pa raw ng sentensiyadong mandarambong at walang modong si Erap ang mga nasunugan sa kanyang ginawang talumpati na may kasama pang pasaring laban kay Mayor Lim.

Kesyo kahit hindi raw siya nanalo sa nasabing lugar ay tinulungan pa rin niya ang mga nasunugan.

Ibig sabihin, ipinamumukha nina Erap at Isko sa mga taga-Tondo na habambuhay dapat tanawing utang na loob sa kanya ng mga nasunugan ang pamimigay niya ng relief goods sa kanila.

Kung tutuusin, si Erap ang dapat magpasalamat dahil hindi siya sinusugod sa City Hall ng mga Manileñong taga-Tondo para pababain sa puwesto.

Que barbaridad!

 

PIERCING SHOTS . . . BOC EXEC, “IDOL” SINGER NI VP BINAY – Congrats kay Mr. Joey San Andres, ang butihing hepe ng Bureau of Customs (BOC) sa Section 5 ng Manila International Container Port (MICP) at paboritong singer ni VP Jejomar Binay.

Dalangin niya siyempre na harinawa’y ma-kabangon pa si Binay para matupad naman ang kanyang asam na maging susunod na Customs’ Commissioner!

***

SUCCESSFUL BUSINESSMAN – Si Mr. San Andres ay hindi lamang mahusay na singer at dating miyembro ng sikat na banda, isa rin si-yang matagumpay na businessman in his own right.

READ MORE:  Fake diploma mill sa Recto protektado ng lespu

Kahit pa medyo matagal din siyang nabakante sa Customs ay hindi naman nakaapekto sa kanyang “lifestyle of the rich and famous” dahil successful at malakas kumita ang kanyang mga naitayong bar sa Metro Manila!

***

CELEBRITY – Gumagawa na rin ng pangalan ngayon si Mr. San Andres sa larangan ng showbiz at nakapag-release ng sarili niyang CD album, naglalaman ng mga awiting likha ng kilalang composer-songwriter na si Vhenee Saturno.

 

Kaya naman bukod kay Binay, hindi lamang napahanga kundi nabighani pa ng kanyang husay sa pag-awit pati ang veteran actress na tinaguriang “Miss Body Beautiful” na si Ms. Vivian Velez!

 

FEEDBACK . . .

EXPIRED RELIEF GOODS NI ERAP – (Connie, Sampaloc) – “Noong Sept. 26, pinapunta ni Erap ang mga biktima ng bagyo sa PUP, Sta Mesa. Nagsalita siya doon at namigay ng relief goods. Ang laman po ng mga plastic bag ay 2-K bigas na may kuto, 8 maliliit na lata ng corned beef at 8 noodles na ang expiration ay Sep. 28, 2014. Biruin n’yo, namigay siya ng 2 araw na lang expired na!” <Oct. 21/0915448….)

READ MORE:  DPWH bilisan nyo ang mga pinaghuhukay nyo!

***

DELIHENSIYA NI ERAP SA VENDORS – “Ang pinagawang hawla para sa mga vendor ay binabayaran namin ng P160 per day, mabigat para sa amin. Ayos po sana kung pumapasok sa kaban ng Maynila pero sila-sila lang ang nakikinabang. Mahigit kami 3,000 kaya malaki ang nakakamal nila. Sana makarating ito sa Senado at BIR dahil alam naming wala silang ibinabayad na tax. Kailan pa nalipat ang city hall sa 18.80 Mall na naniningil sa amin? Ang dati naming bayad na P600 monthly sa permit at P20.00 sa ticket kada araw ay naging tatlong doble ang patong nila.” <Oct.23, name/number withheld>

***

“KATAPAT” SA DWBL LIVE STREAMING (Wax/ Washington, DC) – “Dumadami na advertising n’yo sa ustream. People are listening, keep it up!” <Oct. 21/…15712964007>

***

(Para sa sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang liham sa e-mail address: [email protected])

 Percy Lapid

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved