Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Hanggang saan paninindigan ni Mr. Tony Tiu ang pagiging ‘dummy’ niya kay VP Binay?

Hanggang saan paninindigan ni Mr. Tony Tiu ang pagiging ‘dummy’ niya kay VP Binay?

PATULOY na pinaninindigan ng nagpapakilalang agri-businessman na si Antonio Tiu na siya ang nakabili sa properties ni Vice President Jejomar Binay sa Rosario, Batangas.

Pangunahin na ang Hacienda Binay na kinaroroonan umano ang air-conditioned piggery na sinabing ibinenta sa SunChamp Agri-Tourism Park na pag-aari ng Greenery Holdings Inc., at nakarehistro sa Philippine Stock Exchange (PSE).

Ilang beses na sinabi niya sa media, nang humarap sa imbestigasyon ng Senado si Mr. Tiu at paulit-ulit niyang sinasabi na pag-aari na ng SunChamp ang sinasabing Hacienda Binay.

Inirerespeto natin ang pagharap ni Tiu sa Senado. At habang isinasagawa ang imbestigasyon sa Senado, pansamantala ay paniniwalaan ng inyong lingkod ang kanyang sinasabi.

Pero mayroon tayong ilang katanungan na nais rin natin ibahagi sa publiko.

Kung talagang nabili ni Tiu ang nasabing property ni Binay, bakit hindi niya maipakita ang titulo na nakapangalan sa kanila?

Ang presyo umano ng nasabing property ay P446 milyones, pero ang ibinigay niyang down payment ay P11 milyones lang umano.

Napakagaling mong negosyante Mr. Tiu sa bilihan na ‘yan.

Hinanapan siya ng dokumento sa bentahan ng nasabing lupain, mayroon naman siyang ipinakita.

Ang problema, nang itanong sa kanya kung ipinalista niya sa likod ng titulo ng orihinal na may-ari ang kasulatan sa pagbibili habang hindi pa buo ang bayad, sinabi ni Mr. Tiu na hindi na raw kailangan ilista sa likod ng titulo ng unang may-ari.

Sa ating pagkakalaam, sa usapin sa lupa, kung bibili ng lupa at ang usapan halimbawa ay P1 milyon ang presyo, pero kalahating milyon pa lang ang naibigay, ano ang gagawin para may protection ang buyer para huwag ibenta ng may-ari sa iba?

READ MORE:  Wala pang kampanya... Bistek, sinisiraan na!

‘E ‘di, dapat ipalista sa likod ng titulo sa Registry of Deeds ng Rosario Batangas para wala nang iba pang magka-interes na bumili.

Ang isa pang katanungan sa sinabi ni Mr. Tiu, ang pag-amin niya na nitong Hunyo 2014 lang nabayaran nang buo ang P446 milyon.

Paano maniniwala rito kung ang pagbabayad ng kabuuan sa presyo ay nangyari sa panahon na pumutok ang OVERPRICED issue sa Makati Parking Bldg?!

Ang pinaka-importanteng tanong, hanggang saan o hanggang kailan maninindigan si Tiu bilang dummy o hindi siya dummy ni VP Binay?!

Anong lusot pa ang isasagot niya kay Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV sa mga susunod na hearing?!

‘Yan ang patuloy na aabangan ng sambaya-nan.

 

APD trainees ginagawang ‘palabigasan’?

PUNONG-PUNO ng hinaing ang mga newly trained members of the Airport Police Department (APD) dahil umano sa isang opisyal ng APD na pinagkakakitaan sila.

Hindi lamang basta pinagkakakitaan kundi ginagawa pa raw silang ‘palabigasan.’

Ayon sa nagreklamo sa atin, kabilang sa tatlong huling grupo ng mga bagong graduate na APD force, may nakalaang P13K monthly training allowance sila sa loob ng tatlong buwan na puspusang pagsasanay.

Ngunit laking gulat nila nang kanilang iba-lanse ang ATM card nila na inisyu ng Manila International Airport Authority (MIAA), natuklasan nilang muntik nang masaid ang laman nito.

What the fact!?

Wala naman silang lakas ng loob na magtanong sa kanilang hepe na si ret. Gen Jesus Descalzo kung anyare sa allowance nila?

Baka nga naman mapag-initan pa sila ‘di ba?

Hinaing ng bagong Airport police, sa kanilang pagtatanong ay iisa ang naging direksiyon kung sino ang nasa likod kung bakit nagka-windang-windang ang konting pagkakaperahan nila.

READ MORE:  Dapat magkaisa

Nalantad sa kanilang kaalaman na ang kanilang ATM ay nasa custody pala ng isang opis-yal ng APD at ang halaga ng nawala sa kanilang allowance ay umabot sa P35K deductible umano bilang pambayad sa naging gastos sa training, kabilang na ang uniporme, pagkain at iba pang gamit nito.

Kung kaya’t laking gulat ng mga bagitong Airport Police Officer dahil sa buong akala nila ay sagot ng MIAA ang gastos at ang training allowance nila na nagsilbing take home cash allowance after ng rigid training.

Pambihira naman talaga!

MIAA Senior Asst. GM Vicente Guerzon, totoo ba ang anomalyang ito sa MIAA APD training?

Alam na kaya ito ni APD manager ret. General Sir Jess Descalzo?

Mga naka-motor mag-ingat sa rwm towing kapag nagsimba sa Quiapo

GOOD morning  sir Jerry. Reklamo ko po. Talamak towing  service abuso sila, wala pini-pili oras  5:30 pm mga tao ni vice mayor Isko (siya raw may-ari  RWM Towing Service). Ang mahal pala magsimba sa  Quiapo malapit sa Mercury Drug.  Fee 1.5k  tubos motor lang. Thanks. God bless you. Thanks Sir. Ronald R – – – [email protected]

Reklamo ng Brgy. 148 Zone 13 Dist. 2 Gagalangin, Tondo sa kanilang Chairman

MARAMING constituents ang nagtatanong kung bakit daw parang walang project ang Barangay 148 Zone 13 Dist. II sa Gagalangin, Tondo. Kahit nga raw ang mga kagawad ay nagtataka sa kanilang Chairman kung bakit ayaw maglabas ng pondo para sa mga project.

Kapag tinatanong daw ng mga kagawad si barangay chairman kung bakit wala silang ginagawang project ‘e galit pa raw si chairman?!

READ MORE:  Kilusan sa Kapayaan at Kawastuhan (KKK)

Ultimo raw sariling barangay center ay halos sira- sira na at wala nang pintura, wala rin daw marker ng barangay. Kahit mga pangalan ng mga kagawad ay walang nakasulat sa Barangay hall. Wala rin raw uniporme ang mga tauhan ng barangay. Pito na nga lang ang barangay tanod ay wala rin gamit pati mga batuta ay luma pa raw. Wala rin project sa clean and green kaya halos karamihang kanal sa kanilang nasasakupang barangay ay puro barado at maraming lamok. Meron daw nagbigay ng aircon kay chairman na isang politiko nung nakaraang election para sa day-care center ng barangay pero hindi raw inilagay ni chairman dun ayon pa sa mga kagawad niya.

Hinaing ng mga kagawad pag nagmimiting daw sila at napag-uusapan ang mga project at pag natatanong ang nasabing aircon ay biglang naha-high-blood si chairman. Idinadaan daw sa pagalit-galit kaya walang magandang pinagtapusan ang kanilang miting.

Ang sabi ng mga residente ng Brgy 148, last term na kasi si chairman kaya nagte-tengang kawali na lang daw sa mga problema sa kanilang baranagay.

Masyado raw busy si Chairman sa pagpapa-renovate ng bahay niya at taong simbahan pa.

Manila Vice Mayor Isko Moreno, baka naman pwede mong pagsabihan ‘yan ‘bata’ mo raw na si Chairman!?

(Hihintayin po ng Bulabugin ang inyong sagot at paliwanag Chairman)

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 Jerry Yap

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved