Saturday , April 20 2024

Derek, no.1 male endorser pa rin kahit sunod-sunod ang mga negative issue

HINDI naman pala apektado ng mga kasong kinakaharap ngayon si Derek Ramsay na isinampa ng asawa niyang si Christine Joy dahil dagsa pa rin ang offers sa kanya bilang endorser.

Nakatsikahan namin ang isang taga-ahensiya na base raw sa survey nationwide ay, ”Derek is the number 1 (one) masculine ideal amongst male celebrities, kaya we’re getting him for our products.”

Inamin din ito sa amin ng manager ng aktor na si Jojie Dingcong, ”yes, Reggee. We are now doing two more commercials, now total of 5 (five) new brand endorsements. God is good!  Derek is the one the female market desires and the male market aspires to be.”

At least maski na humaharap ngayon si Derek sa malaking pagsubok sa buhay niya ay marami pa ring nagtitiwala kaya pala gigil na gigil sa kanya ang asawa sa hinihingi nitong sustento dahil kayang-kaya nga talagang ibigay ng aktor.

“Yun nga lang, hindi daraan sa kamay ng ina ng anak niya ang pera dahil ilalagay daw ito sa trust fund, na tama rin naman.

Sam, pang-4 sa 22 Asian Actors Who Deserve to Be Romantic Leading Men

HINDI aware si Sam Milby na sikat siya dahil napapansin siya sa ibang bansa lalo na sa mga pelikulang nagawa niya kasama sina Toni Gonzaga, Bea Alonzo at iba pa dahil nakasama ang pangalan niya sa pang-apat na puwesto sa 22 Asian Actors Who Deserve To Be Romantic Leading  Men sa  BuzzFeed  website na nai-post noong Oktubre 15, 2014.

Maraming sikat na aktor sa Pilipinas, pero si Sam lang ang ang napasama sa nasabing listahan ng BuzzFeed, ang internet news media company sa New York City , USA .

Ang mga kahanay ni Sam ay sina, Daniel Henney na lumabas sa mga pelikulang Seducing Mr. Perfect at American rom-com Shanghai Calling, at TV show na My Lovely Sam Soon and The Fugitive: Plan B; Sendhil Ramamurthy, mula sa television series Heroes, Covert Affairs, Beauty & The Beast; Daniel Dae Kim na lumabas na sa CSI, NCIS, at ER, Seinfeld, at Beverly Hills 90210, Hawaii Five-O, bilang si Jin-Soo Kwon in Lost; James Kyson, Godfrey Gao, Taiwanese actor; Aziz Ansari, comedian actor; Takeshi Kaneshiro, na nakilala sa pelikulang House of Flying Daggers at tinawag na Johnny Depp ng Asia; Raza Jaffrey napasama sa pelikulang Sex and The City 2, Smash; Utkarsh Ambudkar ng  TV series Mindy Project House of Lies at pelikulang Pitch Perfect; Dennis Oh Korean drama Sweet Spy; Rick Yune, CSI, Boston Legal, and Alias; David Lee McInnis mula sa pelikulang Typhoon at A Moment To Remember;  Russell Wong lumabas sa pelikulang Romeo Must Die, China Girl, The Joy Luck Club, 2, Jump Street, What Women Want; George Takei, veteran Hollywood actor na napanood sa Modern Family; Steven Yeun nakilalang si Glenn Rhee sa Walking Dead; Ken Leung sa tv series Law & Order, The Sopranos, The Good Wife, Zero Hour; Dev Patel sumikat sa hit movie na Slumdog Millionaire, Skins, The Last Airbender, The Best Exotic Marigold Hotel, at Newsroom; Tony Leung, bida sa Hongkong film na In The Mood For Love; Ken Watanabe, mula saLetters from Iwo Jima, The Last Samurai, Batman Begins, Inception, Godzilla; Harry Shum Jr, bilang si Mike Chang ng Glee, Stomp the Yard, You Got Served, Step Up 2: The Streets at Step Up 3D at panghuli si John Cho ng Harold and Kumar Films.

Samantala, sina Erickson at Erik Santos lang ang bumalik ng Pilipinas pagkatapos ng ASAP Live in LA dahil dumalaw muna si Sam sa pamilya niya para iselebra ang kaarawan ng kanyang ama sa Ohio, USA.

Ellen, aminadong tomador; Lloydie at Angelica, nakainuman na raw niya!

HINDI nagkamali ang Ginebra San Miguel, Inc na kunin ang sexy star na si Ellen Adarna bilang calendar girl sa 2015 dahil aminadong tinatangkilik niya ang produkto nila.

Hindi nahihiyang aminin ni Ellen sa launching niya kahapon bilang GSMI 2015 calendar girl na tomador siya simula pa noong high school siya.

“Ang iniinom ko po talaga ay ‘yung GSM Blue, noong high school pa kami, mura lang kasi siya kaya feeling namin afford namin talaga,” nakangiti niyang sabi.

At diretso niya itong iniinom ng walang halo, ”walang chaser, diretso, hard drinker talaga ako.”

“I reward myself after work, so I drink, ‘pag stress ako, umiinom din ako. At ‘pag masaya rin, umiinom din with my friends.”

Isa pang binanggit ni Ellen ay nakasama na niya sa inuman ang aktor na si John Lloyd Cruz kasama ang girlfriend nitong si Angelica Panganiban.

Tinanong kasi kung type ba ni Ellen na makainuman si JLC at nabanggit nga niya na nagkasama sila kamakailan lang sa inuman.

At kung may artistang lalaking gustong-gusto si Ellen ay walang iba kundi si Lloydie rin.

“Wala akong pinagpapantasyahan kasi may boyfriend naman ako, siguro gusto kong makatrabaho, si John Lloyd Cruz, kasi ang galing-galing niya,” say ng sexy star.

Samantala, base sa ipinakitang pictorial ni Ellen sa 2015 GSMI calendar ay flawless ang sexy star kaya natanong siya kung may ipinaretoke siya bilang paghahanda sa pictorial niya.

“Ako, well my boobs are enhanced dati pa ‘di ba, nasabi ko, ipina-enhance ko ito (sabay hawak sa boobs), pero the rest wala na, all natural. Nag-diet ako at nag-exercise for the pictorial kasi kailangan, so hayan, okay naman,” pahayag ng seksing aktres.

Aliw na aliw ang entertainment press kay Ellen dahil sa mga diretso niyang sagot.

Inamin din ng Tisay na aktres na noong ialok daw sa kanyang maging calendar girl ng Ginebra San Miguel ay um-oo kaagad siya, ”kasi lahat ng naging calendar girl nila, sikat, so sino ba naman ako para tumanggi, oo agad ako,” masaya niyang sabi.

Malalampasan ba niya si Marian Rivera na pinalitan niya bilang calendar girl?”Honestly, napi-pressure ako kasi Marian Rivera siya, ang layo-layo,” pag-amin nito.

Sa kabilang banda, walang reklamo si Ellen sa ginawa nilang photo shoot sa nasabing kalendaryo dahil lahat daw ay maayos at maganda ang concept at higit sa lahat, sobrang komportable siya sa mga ipinasuot sa kanya at gustong-gusto niyang kuha ay ang naka-two piece siya dahil, ”kasi mahilig ako sa beach kaya ‘yan ang gusto ko. Okay din ang iba,” say ng dalaga.

Sa tanong kung bakit si Ellen ang napili ng GSMI ay sinagot kaagad ng Vice President and Marketing Manager na si Nelson Elises na, ”Ellen Adarna is arguable the hottest and sexiest young actress in the industry today. She has a very strong and loyal fan base and we are very proud and ganadong-ganado to welcome her on board as our 2015 calendar girl.”

In fairness, visible talaga si Ellen dahil may upcoming serye siyang Passion de Amorat pelikulang Beauty In A Bottle na palabas na sa Oktubre 29.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *