Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Sex scandal ni Camnorte Gov. Edgardo Tallado (Rason kaya tinakasan ni kumander)

Sex scandal ni Camnorte Gov. Edgardo Tallado (Rason kaya tinakasan ni kumander)

KAKAIBA rin ang eskandalong sex and politics na kinasasangkutan ngayon ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado.

Luha ng buwaya pala ang ipinakita ni Gov. Tallado nang magpa-press conference nitong nakaraang Sabado para sabihin sa publiko na nawawala at kinidnap ang kanyang asawa.

Ang katotohanan pala noon, nag-iiiyak ang talantadong ‘este’ talentadong si Tallado dahil ‘natakasan’ siya ng asawang ilang araw na umano niyang isinailalim sa sariling ‘house arrest’ o detensiyon sa kanilang bahay.

Sa TV interview kay Misis, labis ang takot niya kay Gob dahil nakita niya na nagsukbit pa ng baril na hindi naman dati ginagawa ng mister nya.

Tsk tsk tsk…malinaw na violation ng Republic Act 9262 ‘yan Gov. Tallado …

Ini-house arrest daw ni Tallado ang kanyang misis matapos maglabasan sa internet ang mahalay na retrato ng kanyang 28-anyos na kept-woman at pinagbintangan ang una na siyang nag-upload sa Facebook.

Sinabi ng misis ni Tallado, may nakatagong baril sa likod ng bewang ang kanyang asawa nang sitahin siya hinggil sa lumabas na hubad na larawan saka pinasabog ng gobernador ang laptop sa pamamagitan ng nasabing armas.

Matagal na palang nagtitiis si misis sa pambabae at iba pang uri ng kataksilan ni Gov. Tallado sa katunayan mayroon na siyang battered wife syndrome, pero nitong huli ay hindi na nakatiis kaya nang makatiyempo ay lumayas sa poder ng asawa.

Buti na lang at naging mabait ang panahon at pagkakataon nang maisipan ni misis na takasan ang kanyang asawa at mayroon siyang pambili ng kotse kaya tuluyan siyang nakatakas.

READ MORE:  Bilyon-bilyong TV pol ads ng mga politiko kanino kaya babawiin?

Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, ano kaya ang gagawin mo rito kay talantado ‘este’ Tallado na miyembro ng Liberal Party?!

Babaero na, wife batterer pa!

Manila Dist. 1 Rep. Benjamin “Atong” Asilo hindi iniwan ang Tondo
UNA, nakikiramay po tayo sa pagkasunog ng bahay ni Congressman Atong Asilo at sa kanyang mga kapitbahay d’yan sa Franco St., sa Tondo District 1.

Nasunugan man ‘e tumulong pa rin sa mga kapitbahay na kapwa biktima si Congressman.

D’yan tayo bilib kay Congressman Asilo. Kahit anong mangyari hindi niya iiwan ang Tondo.

Siya ay kinatawan ng Tondo at ‘yan ay pina-ngangatawanan niya.

Nasa pwesto o wala sa pwesto, siya’y mananatiling taga-Tondo.

Hindi katulad ng iba riyan na nag-aambisyon pang maging alkalde ng Maynila.

Nagpagawa ng pagkalaki-laki at pagkaganda-gandang bahay sa Balut pero sa Alabang Hills pala tumitira at umuuwi.

Noong nag-aartista pa, ipinagmamalaki na siya ay mahirap at nagtutulak ng kariton.

Pero nang pumasok sa politika, bigla na si-yang naging ibang-iba…parang ala-Binay na rin daw ang yaman!?

Ibang-iba kay Congressman Asilo, na hindi lang batang-Tondo kundi tunay na taga-Tondo.

Mabuhay ka Cong. Asilo!

PNP PRO-1 bakit talamak ang 1602 sa La Union!?
SIR JERRY, bukod sa jueteng dalawang lugar po rito sa La Union ang mga perya-sugalan. Isa sa LUNA at isa sa BANGAR La Union. ‘Yun sa Luna ay malapit lang ho sa simbahan at police station na ang hepe ay si Major REYNALDO SURIA. ‘Yun sa BANGAR ay nasa hi-way lang at ang hepe ng pulis dto ay si Major SILVERIO ORDINADO. Kompleto ho ang sugal, may color games at drop ball na ala-mini casino. Imposible na hndi alam ni Mayor VICTOR MARON ang ilegal na sugal na ‘to. Pakitago po number ko. +63918566 – – – –

READ MORE:  Sen. Ping Lacson hindi bibitawan ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa

Six-years barangay term okey kung matino ang opisyal
SIX yrs extension term ng brgy officials? Maganda po sa matitinong officials, pano po kung kawatan ang kapitan tulad sa amin? Kawawa kami. +6393559 – – – –

Hindi 4-day office work ang solusyon sa trafik huwag mag-park sa eskinita/kalsada
GOOD am po sir Jerry Yap ng BULABUGIN, hindi tama na 4-days na trabaho sa isang linggo solusyon sa trapik (mali ‘yan) ang gawin nila lahat ng sasakyan na nakaparada lang sa mga kalye ay huliin ereker nila dahel masikip na ang mga kalsada natin genagawa pa nilang parking lot ang kalsada yan magandang solusyon ipagbawal ang mag-park ng mga sasakyan sa kalsada cguro naman my mga pambayad yan cla sa parking lot bakit sa kalsada pa kung kaya nilang bumili ng sasakyan e kaya rin nila magbayad sa paking lot +6391860 – – – –

Maliliit na empleyado ng MAPMA inaalipusta at agrabyado sa area manager
GOOD MRNING, cer Jerry Yap. Paki front page po ito,kami ay empleyado ng MAPMA — Manila Parking Management na inaalipusta ng isang erya manager, na nanliligaw s mga parking officer, na ginagamit, at kinukuhaan ng pera n ala balikan, strategy nya po ang ganito pangongotong sa mga parking officer. xa ay si Francis Serano. Sir Jerry, Mayor Erap, kami po ay nanawagan ng pansin o tulong sa inyo na tanggalin n u ang MAPMA, kaawa-awa ang mga collector, konting mali, suspinde at tanggal. makamahirap ka Mayor Erap imbestigahan mo. +6394612 – – – –

READ MORE:  Ping, Ping muling kumakalansing para sa 2016

ICTSI employees/Trailer driver hindi inire-regular (Paging DOLE)
SA MGA taga-DOLE po pakitulungan po ung mga empleyado ng ICTSI international container terminal services inc. 1 taon n po on call ung mga trailer driver wala po nareregular. Naturingan po malaking kompanya at international pero bakit ganyan po. ‘Wag nyo po i- publish number q tnx po. +6394668 – – – –

Trafik sa Metro Manila dahil daw kay Isko?
ISKO bobo nagkatrapik ang Metro Manila dahil kay Isko. mabuti pa mag basurero n lang cya, pati mga pobre mga driver ng truck, jeepny, uv express napaginitan at kinotongan sa mga mafia na mga pulis trapk. Isko magbago ka na. +63943555 – – – –


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

Jerry Yap

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved