Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / May bayad ‘makipag-usap’ sa E.R. Doctors ng ospital ng Sampaloc?!

May bayad ‘makipag-usap’ sa E.R. Doctors ng ospital ng Sampaloc?!

Carry each other’s burdens and in this way you will fulfill the law of Christ. —Galatians 6:2

DIOS MIO, ano ba itong ipinarating ng isang katoto sa

atin, kaugnay ng mga kaganapan d’yan sa Ospital ng Sampaloc sa Geronimo St., Sampaloc.

Pinag-iingat niya ang publiko na makipag-usap sa mga doctor ng Ospital ng Sampaloc, partikular sa mga naka-duty riyan sa Emergency Room o E.R.

Dahil may bayad umanong makipag-usap sa kanila! Susme!

***

MAY isa kasing biktima ng aksidente sa jeep ang bumalik muli sa nasabing ospital upang ipaalam (take note ipaalam, hindi ipakonsulta) ang itinurok na heringilya sa kanya ng isang attending nurse sa E.R. noong Oktubre 19, Linggo ng gabi.

Namaga kasi ang kamay ng babae sa pag-injection sa kanya ng pain reliever ng attending nurse. First time kasing ma-injection sa kamay ang babae at namaga pa, kaya natakot siya sa posibleng mangyari sa kanyang kamay.

***

KAYA nang bumalik ang babae nitong Martes, Oktubre 21, sa Ospital ng Sampaloc ipinatanong niya sa naka-assign na nurse at doctor ang kanyang attending physician noong gabing iyon at nagpaturok sa ka-riding in tandem niyang nurse nitong Linggo, Oktubre 19.

READ MORE:  Dagdag sa “Money Trail” ni Erap sa “Suhulan Blues” sa Torre de Manila

Nang ipatawag at dumating sa E.R. ay ipinatanong ng babae kay Doc, kung bakit namaga ang kanyang kamay sa injection, aba, biglang sumigaw si Doc na tila hysterical na ikinagulat ng iba pang tao sa loob ng E.R.     Sabi ni Doc: Ano, namaga? Namaga ha?! Nakasuot ng sleeveless ang babae na napapalooban ng jacket. Sabi ni Doc: Hubarin mo ‘yan, hubarin mo, sabi mo namamaga ‘di ba? Sige hubarin mo!

Aysus! wala man lang ka-etika, etika!

Lumuwa ang mata ni Doc!

NANG hubarin at sleeveless na lang ang suot ng babae, lumuwa ang mata ni Doc, pero ngayon ay mahinahon na ang kanyang boses. Sabi ni Doc: O wala naman ha?! Iniutos na niya ang pagrereseta ng mas malakas pang pain reliever sa babae, makaraan ay may iniabot na ang on duty nurse ng isang papel na dapat bayaran umano sa information— halagang P200 na consultation fee!

READ MORE:  Militar palalakasin ang giyera kontra droga

Mahabagin, halos wala pang 5 minuto ang babae sa E.R. na sinigawan na at halos mapahiya sa mga tao pero pinagbayad pa ni Doc ng P200 para umano sa kanyangconsultation fee! Gayong ipinaalam lang kung bakit namaga ang kanyang kamay!

Nakupooo! Ayaw ni dating Pangulong Erap at VM Isko ng ganyan?!

***

KAYA dapat rin siguro natin itanong kay Dr. Jesus Sison, OIC ng Ospital ng Sampaloc, makatarungan ba ang ganitong kustombre ni Doc?!

Hindi ba’t bilang public servant at naglilingkod sa isang pampublikong ospital ay maging mahinahon at magalang lalo na sa mga pasyenteng iyong siniserbisyohan? Alam ‘yan ni Dra. Leonora Pascual, OIC ng chief of clinics.

Because, public office is a public trust!

MASA in action!

MABILIS ang tugon ng Manila Action and Special Assignment (MASA) sa isinulat natin kamakailan, patungkol sa mga usapin ng vendors sa Arroceros area.

READ MORE:  Politika at kasibaan sa likod ng rice crisis

Kumilos agad si MASA chief Major Bernabe Irinco,   isinaayos at nilinis ang hanay ng vendors lalo na sa paligid ng Universidad de Manila (UDM) at Bonifacio Shrine. Maayos nang nakadaraan ang pedestrians na noo’y kaliangan pang makipagpatintero sa mga vendor.

Malinis na ang ating Barangay 659-A!

***

MAALIWALAS ang buong paligid, wala nang nakakalat na basura sa daan, kinastigo na rin ang inirereklamong tauhan ng MASA.

Kung lahat ng opisyal ng pulisya ay ganyan kabilis umaksyon sa inirereklamo, aba, magiging maaayos ang lahat, maliliwanagan ang mga bagay-bagay at isyu ng hindi pagkakaunawaan. At sana naman ang mga vendor ay hindi rin maging pasaway at sumunod sa batas.

Again, thank you & good job Major Irinco!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

 

Chairwoman Ligaya Santos

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved